My Birth Story

Sharing my birth story? Baby Caleb Nigel O. Aquino EDD: May 14,2020 DOB: May 10,2020 TOB: 8:52 Am TOD: Normal Weight: 3.1kg 39 weeks & 3days.. May 7,2020 @ pass 5am nagising ako dahil akala ko nananaginip lang ako na naihi ako nun.. Yun pala panay blood na undie ko nun at madami ang nalabas sakin that time. Pmnta agad kami sa Lying in kung saan ako regular na nagpapacheck up, then ayun IE ako 2 times, shet! Sakit pala maIE grabe.. At we find out na 3cm na pala ako.. So ayun niresetahan ako ng MW ko ng 10 pcs. Eveningprime rose para mapabilis na ang pagnipis ng cervix ko. Then ayun sent home ako kase nga 3cm plng nmn.. Kaya pagdating sa bahay, inom pineapple, salabat,evening primerose at lakad lakad squat ako para bumilis na pagdagdag ng cm ko.. And the ff. day May 8,2020 back to lying in ulit kase same discharge ako puro blood at may parang sipon nakong nakita sa mat. pad ko.. IE again?‍♀️? so ayun 3-4cm pa din dw ako.. Same thing to do, sent home again at continue lang sa mga pinapagawa sakin.. 3rd day, May 9,2020 same discharge at wla pa rin akong labor pains na nararamdaman. Sa lying in ulet, Inadvice na ng mw ko na magpacheck up ako sa Hospital na mismo just to make sure na okay lang c baby inside at buo pa panubigan ko. At Las Piñas district, same lang din ang sinabi ng ob na 3cm pa lang daw ako at normal lang yung blood discharge ko dahil nagoopen ang cervix ko. At dahil 3cm pa lang sent home ulet at hndi rin daw sila makakapag admit kahit na manganganak na dahil sa may mga positive patients don. May 10,2020 at last, 5:45 in the morning pumutok na ngang tuluyan ang panubigan ko. Pag dating sa lying in, IE agad ako sabi ng mw ko 6-7 cm na daw ako.. Kaya pinaglakad lakad pako sa hallway at pinag squat.. Ang sakit pala talaga kapag in total labor kana.. Nakakapagod yung hilab, masakit sya sobra parang kang pinapatay paunti-unti? After ilang minutong paglalakad lakad at squat squat IE ulet ako 7-8 cm na pero still balik sa pinapagawa sakin.. Hilab dito, hilab doon.. yung moment na yun gusto ko ng sumuko halos gumapang nako sa sahig sa sobrang sakit. Then after nun last na IE na sakin full cm na daw ako (10cm) ready for delivery na. In delivery room, ire toda max ako kay baby para lumabas na sya, isa,dalawa tatlo di pa sya totally lumalabas tinanong ko yung mw kung matagal paba lumabas c baby sabi nya konti nlng.. Kaya ayun yung assistant nya tinurukan nako ng anesthesia at yung mw ginupit na yung eme ko not once and not twice I think? ramdam ko pa din yung pag gupit kahit na may anesthesia.. Then last na ire ko super todo na.. Finally.. Lumabas na c baby? Sabi ng mw nakapalumbaba daw c baby pag labas? at gwapo? haha cute? After nun nilagay na sya sa dibdib ko? I feel his heartbeat his breath and his warm body? That moment was unforgettable❤️ Sobrang saya ko na nayakap kona ang baby ko na dinala ko ng syam na bwan sa tyan ko? Habang tinatahi ako, nakatingin lang ako kay baby habang nililinisan sya. Ganun din c baby sakin lang din sya nakatingin titig na titig? panay kausap ko nun kay baby inaaliw ko sarili ko kase ramdam ko yung pagtahi sakin? mashaket! Hanggang sa paglinis ng loob ko sobrang sakit parang kinakayod yung loob ng sinapupunan ko?? But after all of the pain, I really really thank God? he never leaves me and my baby. He guides me from the start upto now..? From all of the Sacrifices, worth it po lahat? Salamat Po Panginoon sa isang buhay na pinagkaloob nyo po sakin.? I'm a mother now. Need to keep going and looking forward simula ng dumating c baby? And that's my birth story. Sorry sa haba ng kwento? Sana na tyaga nyo pong basahin? Take Note: Hinintay lang talaga ni baby ang MothersDay bago sya lumabas??? I love you so much baby Caleb ko❤️

My Birth Story
24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po

Congrats

Congrats

Congrats