Do you share your social media passwords with your husband?

1296 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes. Alam din nia un sakin. Pero I make sure naman na alam ko ang limit ko at respeto ko sa knya. Hindi ko basta basta binabasa un msg nia hinahayaan kong mauna niang basahin un. Or kung aksidenteng mabasa ko man, pinapaalam ko agad saknya. Ganun din naman xa sakin 🤗

Yes po. In case of emergency din kasi and makakalimutin ako ng password. Wala naman kailangan itago sa kanya at the same time pwede niya iopen para makita kung saan saang buy and sell nanaman ako nagiinquire atlist makokontrol niya bago ko pa maorder haha.

VIP Member

Yes, dapat lang naman alam! Dina uso trust trust nayan sa panahon ngayon, may mga ikat pading pumapatol sa may asawa, di naman masama icheck account ng asawa lalo na asawa ka ☺️ at the same time di ka naman oa sa pagiging territorial okay lang haha.

Sya lang. Ako kase wala akong pakirlam sa mga ganyan. Privacy nya na yun e. Nasa kanya naman kung magloloko sya. At saka walang kalokohan na di nabubuking. Basta tiwala lang kylangan. Kase pag puro kayo bantayan lang wala mangyayare sa relasyon.

No. Before ganyan kami but nag uugat lang ng away lagi kaya napag desisyonan kong wala nang access sa lahat ng soc med namin pareho. Yun, peaceful na pamumuhay namin. :) I learned that kahit na kasal na kami, we should respect each other's privacy.

Yes and vice versa. Lagi kami nagchecheck noong mag bf/gf pa lang pero nung tumagal na, nasi stalk na lang ako kapag bored 😅 and from time to time pag medyo may hinala akong sinesecret nya. Minsan nakakalimutan ko na din yung passwords nya. 😅

VIP Member

for me nung una okay lang na ni di ko alam pass nya, but nag wowork sya sa isang office then ung environment dun is toxic like, kahit may mga asawa at jowa na ung mga tao dun naglalandian padin sila, so for now yes need ko icheck cp nya 24/7

Uoh, peru hindi naman nya binubuksan, maski, fb nya, hindi rin, nag uupdate lang sya nang picture pag may bago kaming pic na gusto nya. Then ino open, lang nya messenger, nya para may update sa work, peru dahil may covid ngayun . No work.

VIP Member

Depende kung gusto namin malaman pareho ang password, willing naman kami ibigay sa isa't-isa. Pero ako I don't mind. Kasi minsan pinag mumulan pa ng hinala. Basta importante may tiwala ka sa partner mo at wala kayong history ng third party.

nope. Di namin tinatanong at wala din kusang ngbibigay isa man sa amin pero alam namin password ng cellphone ng isa't isa at nakalog in din naman dun mga social media accounts at malaya naming tingnan kung gusto namin. Ganun lang.