share nyo naman mga momsh yung lovestory nyo ng Husband or Partner nyo 😂 here's mine.
❤️❤️❤️❤️
kaka heartbroken ko lang nun sa walang label relationsh*t 😂 sakto pumunta kami sa bulacan for a family gathering, nag stop by kami sa Church nun. my Mom believes na pag first time mo makapasok sa isang church na di mo pa napupuntahan mag wish ka ng 3x then matutupad. so I did it. first I wished na sa long life ni Mama, then Magkawork nako and lastly, I wished for a man na magiging forever ko na.
then, after a month may nag add sakin ( si Kuya mo boy) 😂 edi ayon accept agad tapos stalk stalk. haha then nag chat sya syempre .. the walang kamatayang Hi :). 😂 syempre nag hi din ako haha ayon, 2 weeks kaming magka chat, text usap, sakto din pareho kaming cosplayers and pareho kami ng trip sa buhay until finally he ask if we can meet up. he's from Bataan, Pampanga naman ako. nag meet kami sa Coffee shop sa Bataan. tangkad nya mga momsh 6'2" 😂 kumusta naman akong 5'5" 😂 ayon kape, kwento. then kinagabihan naging kami na. haha the first 3 months lagi kami magkasama umattend ng Cosplay Events then lagi na sya sa bahay namin bumibisita. until September 08 nagpakasal na kami and now may 1 na kaming bebisaur na pabebe . haha
sorry napahaba. if it's not allowed here you can delete it. Thankyou anyway. hehe