46 Replies
Yung effect sa bata ng gamot? Maaaring makita agad, if physically naapektuhan siya. Masisilip mo ito via congenital anomaly scan mo. Pero it may take years pa, para macheck kung merong developmental damage sa kanya. Kailangan mo siyang obserbahan habang siya ay lumalaki. Sana wala naman naging masamang epekto sa kanya ang mga gamot na tinake mo. Wala ka ng magagawa dahil tapos na, ang magagawa mo na lang ay humingi ng tawad sa Diyos at sa bata. Ipagdasal mo na sana ay maging maayos ang lahat. Ngayon, kung may naging effect man ito sa bata, tanggapin at mahalin mo ang bata dahil ikaw naman din ang (maaaring) naging dahilan kung bakit siya nagkaganon. Goodluck, and sana wag mo na uulitin ito sa baby mo at sa mga susunod pa. Bumawi ka ng doble sa baby mo, kumain ka ng masustansiya, inumin ang mga vitamins, gatas, etc. na inaadvise sayo ni doc.
may possibility nga consequences ng wrong decision mo pero hold on lang pwede din wala ,25 nako miski ako di handa nag open pako sa asawa ko na hindi ako nakakaramdam ng saya parang di ako excited parang di pa nag sisink in sakin na magiging mama nako wala akong mga gustong gawin or something pero di ko pa msyadong tangap pero nung nakita ko sya sa ultrasound di talaga ako makapaniwala ako na weird makulit buang nabiyayaan masama din akong tao be sobra,kung tutuusin pero di ko inexpect nabigyan ako pero never na never sumagi sa isipan ko yan takot ako na baka may mangyare sa kanya kahit di ako masaya mahal na mahal ko na sya kay lord lang ako nahingi ng tulong sa ganyan kasi nadedepress ako kaya ikaw be si lord lang makakatulong sayo meant to be mabuhay ang baby mo ipanalangin mo na di nakaapekto ang mga bad choices mo.
i won't judge you po sis.meron po akong ka work dati na ganyan,uminom ng same na meds pra malaglag ang baby at nagiinom talaga sya ng alak at tumatalon talon pa ganon sya noon,pero di hinayaan ni Lord malaglag ang baby hanggang tinuloy nalng nya. Sobrang sisi na po sya pero wla nmn naging complications ang anak nya at sobrang ganda pa. Pray ka nalng po kay God sa mga nagawa mo sa baby mo in the past at na walang mangyari sa kanya. Pls. po wag mo na uulitin 😃. sabi nga po ni God kilala na nya tayo before pa tayo mabuo sa sinapupunan ng ating ina, there is always a reason kung bkit tayo pregnant 😃.Godbless to you and baby.
May possibility mommy, dahil sa mga medicines na natake mo during your first trimester. Did you tell your OB about it? If not yet, pls do. Para mabigyan ng angkop na monitoring baby mo. Request ka for a Congenital Anomaly Scan. AND DEAR HOLY PEOPLE , YUNG CONCERN NIYA IS YUNG ABOUT SA BABY NIYA HINDI ABOUT SA KUNG ANO NAGAWA NIYA SA PAST. SHE MENTIONED IT FOR REFERENCE. KAYA KUNG DI NIYO RIN LANG NAMAN MASAAAGOT YUNG CONCERN NIYA, SHUT UP NA LANG. STOP SHOVING YOUR RELIGIOUS BELIEFS ON OTHER PEOPLE.. BASIC RESPECT NAMAN KAKASABI LANG NIYA NA WAG IJUDGE EH! -.-
in other side meron ka sigurong napagdaanan problema at takot ka harapin ito... Wala nmang perpektong tao sa mundo lhat tau ay makasalanan, kya nga inoffer ni Jesus ang srili nya pra tau ay tubusin sa ating mga kasalanan.... Ibig sbhin non, kilalanin mo ang naging ksalanan mo, ipag pray mo yan sa Panginoon at humingi ka ng kpatawaran sa knya at pra iguide ka nya... Ipagpray mo din na okey ng mgging baby mo... Malalampasan mo din yan, ingatan mo sya at mahalin. Wag mo iparamdam na minsan e may mga naging desisyion ka mali nagawa sa kanya... Godbless always😇🙏🙏🙏
bat ganun sis? yung iba nga gustong2 magka anak tapos yung iba din grabe yung alaga sa baby lero nakukunan parin....blessing yan sis ginawa nyo yan .... ayoko talaga sa mga ganito sis sorry hah... kasi aq nakunan na aq 1 time todo ang ingat q pero nakunan parin aq...kya sis kung anong blessing ibinigay sayo tanggapin mo kasi sinadya nyo yan gawin sis ... kung sana ayaw mo pa nag contraceptive ka nlng muna.... paray ka nlng sis at e pray2 kita na sana ok yung baby mo...😢😢😢
Kung ano man ang pinagdaanan mo kung bakit nagawa mo yun nung una wala akong karapatan para i-judge ka ,,humingi ka ng tawad at lagi kang magdasal sa panginoon natin. Sana walang mangyare sa baby mo kausapin mo sya lagi. Tapos bumawi kana maging healthy kana pagdating sa pagkain at vitamins aminin mo lahat sa magiging doctor mo. Lakasan mo loob mo kakayanin mo lahat lalo na kapag nakita mo na anak mo. Be positive and trust god
magpray ka ky god mommy na wlang masamang epekto ang ginawa mo, dhil kung ako tatanungin mo, grabe ang ginawa mo sa baby mo na walang kaalam alam, may pray ka na sna hndi maging abnormal baby mo paglabas.. ikw nmn cguro alam mo kung gano kagrabe ginawa mo sa baby mo.. napakaraming gamot at may sintomas ka pa na napasama nga baby mo sa ginawa mo tas ngaun magtatanong ka smin?? ikaw lng makakasagot nyan sender.
momshie, go take Congenital Anomaly Scan. Ultrasound din siya pero mas mabusisi kasi nakikita nya may birth defects ba si baby. Nagpaganun ako dahil sa kasagsagan ng measles nung nakaraan buwan. Anyhow mas ok talaga siya ay least alam mo ano haharapin mo. Nasa 2k nga lng xa. I hope your baby is ok. Sabihin mo sa OB mo para gawan ka nya ng request.
26 weeks pregnant pwede na po
Ang hirap hirap gumawa ng anak para lang ipaabort hay, alam mo? kahit healthy sya ngayon or kapag lumabas man syang healthy baka dumating ung time na bigla syang magkakomplikado. you'll never know. malalaman mo lang yan kapag nandun ka na sa kalagayan na yun. anyway godbless alagaan mo nalang yan okay? wag ka matakot, be a responsible mom na.
Anonymous