Panganganak
Share naman kayo experience ng panganganak nyo. ❤

sa 2nd baby ko naman.. premature sya.. gabi rin nagleak panubigan ko, kinabukasan nun supposedly chek up ko pero nadiretso na ko iadmit dahil preterm.. going 6 mos pa lang sya so pinahiga ako sa bed ng nakataas both legs ko para mapreserce ang panubigan at umabot sya sa month na safe sya ideliver.. hanggat maaari tumagal ang panubigan ko.. 9 days ako ganun, walang ligo, walang kaen ng heavy meal... hanggang sa humilab ang tyan ko ng madaling araw at wala ng nagawa.. 50/50 ang chances kung mabubuhay si baby.. kinakausap ko lang sya the whole time inadmit ako hanggang sa maglabor ako na laban lang kame... naiyak pko nun dahil tinapat kame ng ob na walang assurance dahil wala ding available na incubator. sabr namen bahala na si God kung ibibigay samen yung 2nd baby ko... pumirma ako ng waiver bago ako manganak. sa awa ng diyos buhay sya.. 2 drop light, oxygen at clingwrap ang inimprovise ng mga ob at nurse for her.. yes baby girl at only girl ko. almost 1 month sya sa icu ako naman almost 15 days dahil mataas sugar ko then ina antibiotic ako dhil sa uti ko... gtabe pinagdaanan namen magina kasi pati c baby naganti biotic din pinapadaan sa swero.. ako kalbaryo saken tuwing iinjectkan na swero ko lalo pa kaya sa premature baby ko... kasing laki lang nya 1 litro ng coke tas yung hita at braso nya hindi nalalayo sa fingers ng tatay ko.. eto ngaun, super kulit, honor student sa school at medyo madaling magka ubo o sipon pero so far healthy sya.
Magbasa pa
Preggers