31 Replies

Iba iba talaga behavior ng babies.. Natry mo na ba iswaddle? Pwede din nag clusterfeeding siya growth spurt lalo na sa mga newborn babies.. Nag ganyan din eto baby ko mga 1month old in tapos BF baby pa siya di na ko makatayo nghihingi nalang ako ng tubig at pagkain sa asawa ko pag gutom ako na nag uunlilatch si baby.. pag need ko mag banyo nagwawala si baby kasi kelangan niya magdede ulit. 1week upto 2weeks pa nga minsan yan.. Oo nakakapuyat pero kaya mo yan kelangan ka ng baby mo.. Maiiyak ka pero tingnan mo si baby ikaw ang kelangan nyan after ilan weeks makikita mo ang bilis niya lumaki growth spurt e kaya nagliligalig.. tiis lang mommy magbebehave din yan si baby.. Si baby ko ngayon napakabehave pero 7mos na kasi siya at nagpupuyat nalang ako para titigan siya tingnan kung kmusta pag hinga kasi di na naiyak madalas😁 Btw CS mom din ako at bago lang ako nakapag pahinga at eto baby ko NICU baby siya wala pa 24hrs naglalakad na ko at simula nun hindi na ko nagpapahinga. Pero eto buhay na buhay pa naman ako😅 basta yakapin at buhatin mo lang si baby wala din masama humingi ng tulong sa kapamilya lalo na kay hubby mo.. Para makapagpahinga ka din..

Mommy obserbahan mo din kung nagliliyad si baby pag buhat pwede kasi acid reflux din pag ganon kaya irritable anyway sabi mo nga napacheckup mo na pero mas maganda obserbahan mo mi at inform mo si pedia.. Godbless mi kaya mo yan🙏 tiis lang pasasaan ba at magbabago din ugali ng baby mo hintay mo lang mi at patulong ka muna sa mga kamag anak o kay hubby para makapagpahinga ka din

TapFluencer

hindi ko naman mi sinabi na wag nio po kargahin kahit umiiyak na ....☺️ tama po kau every baby is unique....pero para sakin lanq po if di kau na niniwala na wag lagi kargahin ang baby kasi masasanay po yan hanqqanq sa maging toddler na sila. Basta para po sakin naniniwala po ako na wag kargahin lagi anq baby kasi sa first baby ko ganun din po ginawa ko diko sinanay kargahin ....kinakarga ko lanq po siya if papadede in then pag ipapa burp then after that nilalapag ko na siya sa higaan then na kakatulog na po siya... kaya swerte po ako sa mga babies ko na indi iyakin since newborn dahil kami lanq laqi dito magkasama sa bahay dahil nga nasa work laqi hubby ko... at na gagawa ko din anq gawain bahay....😊 kaya pasinseya po kau kunq sa tingin niyo is kinukompara ko po baby sa inyo... di po ganun ibig ko sabihin po.

VIP Member

Hi mommy! Valid po ang nararamdaman mo. I am also a first time mom. Grabe talaga hirap ng new born stage. Si baby ko rin, nasanay sya ng daddy niya na laging karga. Maswerte nalang din siguro ako dahil nung bumalik sa work si husband ko, nakaalalay araw-araw si mama ko kaya nakaya namin. Pero ngayon turning 4 months na si baby ko, nabago nya na. Basta kapag umiiyak na siya, una kong gagawin is ichecheck ko diapers nya. If hindi, check ko kung gutom. Kung hindi naman, itatry ko siya ilabas ng kwarto para maiba naman environment. Tapos magplay kami or kakantahan ko sya. Tiyaga lang mommy. At seek ka ng support and help from your love ones. Valid po ang nararamdaman mong pagod ☺️🤗

sabi ng Pedia ni Anak nararamdaman daw ng baby kung ano ang nararamdaman ng nag aalaga.. may times din daw po na iiyak sila ng di nalalaman minsan pagsakay ng sasakyan titigil or kapag nakariniv ng kakaibang sounds.. sakin sinubukan ko noon kargahin sya ng payakap at tinatapik ng mahina sa bandang taas ng puwitan nya at nag iimbento ng kanta na sinisingit ko ang name nya, lagi bigkasin ang name ni baby.. hal. si anak ay love ni mommy at daddy kahit anong tono pa yan hahaha.. and mag dadalandan ako sa madaling araw para gising na gising hahhaa.. normal mapagod sis pero irelax mo isip mo para makatulong sa inyu ni baby.. God bless and more strengths!

VIP Member

Hello sis. I also experienced that with my baby. Kami lang ng husband ko when I hust gave birth. My phase din na ganyan baby ko umiiyak ng di ko malaman ang dahilan. As a mother, I really believe na mas kilala natin mga anak natin. Just observe your baby kung ano makakapagpatahan sa kanya. Gawin mo lahat para malaman mo. Mahirap siya but trust me that things will be easier if you and your baby will find your rythm together. Beginning is always the hardest. Getting tired is valid dahil tao lang naman tayo but wag na wag susuko😊 time will come, you'll back at this phase and masasabi mo na 'nakayanan ko yun'. Babies grow up so fast so savor every moment.

TapFluencer

nag ggrowth spurt kasi ang baby mi kaya ganyan di natin maintindihan.. nakakaawa din sila na di nila ma voice out yung kinaiinis nila kaya pinipigilan ko yung utak ko na mag isip ng kung ano ano isipin mo mi mahal mo anak mo ganun lilipas din yang stages na yan naiinis kasi sila sa growth spurt na yan di nila kinakaya yung biglang pag growth nila kaya iyak sila ng iyak yang ganyang stages na yan 1month to 2mos ang matindi nakakabaliw. 2mos and 3days na baby ko now so far na lessen ang iyak nya puro sya tulog ngayon. dati wala kaming tulog ngayon puro tulog di naman ako makatulog ngayon hahahhaa di ko na sya masabayan sa tulog nya eh

cs and ftm here. baka may kabag siya miii try mo kapain if medyo malalim sa may bunbunan huwag mo diinan ah. try mo siya iswaddle baka kasi hindi pa masyado nakakaadjust ang baby mo. may duyan ba siya try mo siya iduyan pero dahan dahan lang ah. breastfeeding ka ba? sobrang clingy ng mga breadfeed baby. baka may growth spurt, ganyan talaga needy sila. try mo magpatugtog ng white noise baka effective sakanya. try mo siya ilabas ng bahay at kausapin, si baby ko kasi nabuburyo sa loob ng kwarto iyak ng iyak gusto ng ibang environment nung ganyang age tapos sinanay ko na lang siya ng sleeping routine niya.

Same age lang baby ntin mii.. 2nd baby ko ito at hirap din tlga ako dito sa pangalawa kasi yung una ko di yon nagwawala ng ganto.. Super pgod ako at ako lang nag aalaga sknya.. sa gabi lang meron asawa ko.. pag bandang 6pm pagkagising ni lo, nilalabaran ko sya tapos kakausapin. kakantahan ganun, bandang 7 padedehin na.. grabe pa umiyak tong anak ko kasi naiirita sa halak nya nababarahan yung ilong niya. ginagawa ko hinihiga ko sa hita ko.. tapos imamassage ko yung mga talampakan niya, kmakalma sya.. pag kalmado na saka ihele ng dahan dahan lang..

TapFluencer

dapat po pag newborn di siya laging kinakarga kasi masasanay yan sila....hahanaphanapin nila yunq karga na yun ...... yumg baby ko mag 2 months na siya sa 24 normal delivery naman ako pero diko siya sinanay kargahin or pakarga sa papa niya pinapagalitan ko pa papa niya kasi gusto siya buhatin....e di pwede kasi masasanay yan sila then taunq mqa nanay an1 mahihirapan niyan......yunq baby ko after ko pa dedein lapag kulanq siya sa higaan namin... at di ko rin siya binilhan nq duyan kasi once na masanay din yan doon na yan lagi matutulog

hndi habang buhay sanggol ang anak mo. kaya habang kaya mo pa at gusto pa nya pkarga sayo lasapin mo na. dahil pag laki nyan cgurado kahit gusto mo sya ibaby pa mgagalit na yan. masarap mapagod lalo na kung para naman din sa anak mo. at masarap ang feeling na karga2 mo anak mo at naka yakap sayo.

TapFluencer

hi mi try mo po kaya sya ilabas sa may mga halaman? maghapon? yung ganyang stage ng baby ko grabe ang iyak nag iinit ang ulo ko nun nabubunton ko sa mister ko kasi ayaw talaga tumigil ng iyak puro karga ang gusto kaya bumili ako ng baby carrier sa shopee eh kasi di ko na alam gagawin ko tapos nasa labas lang kami sa mga halaman maghapon pinapagod ko sya naglalakad lakad kami habang kinakausap sya na pagod na ko kailangan ko pahinga kaya matulog na sya ganun.. try mo mi ganun..

Sige mii try ko yung mga sinabi mo sana makatulong sa baby ko. Salamat ha 🙂

Trending na Tanong