Reaction

Share ko lng po mga Moms. Kung kayo po ang nakaexperience nito, ano po magiging reaction nyo? LONG POST AHEAD... Sa time ng panganay ko, nung pina newborn screening nmin siya, 1 month bago namin nkuha yung result.. sa isang lying-in clinic lng ako nanganak at walking distance lang yun mula sa bahay namin. Papunta kami sa talipapa ng sister ko at naisipan nalang namin daanan yung result kasi along the way naman. Dahil first time mom(that time) wala talga ako idea para saan yung newborn screening. Nang ibigay sakin ng staff yung result, out of 5 or 6 tests na nandun ay nagpositive ang baby ko sa G6PD. Eto ako namang si mangmang?biglang tanong sa staff(medyo bata pa, early 20s lng) "miss, ano po yung G6PD? Positive po kasi ang anak ko." Ni wala man lang babala, o hinay hinay, bigla niya kong sinagot ng "ay naku maam! magiging ABNORMAL ang anak nyo paglaki" simpleng sagot niya na parang tipong chumika lang ng chismiss. Nang marinig ko yun, grabe! parang humiwalay ang spirito ko sa katawan ko, ???? pakiramdam ko hindi nako katapak sa lupa, hindi ko na rin narinig ang iba niya pang sinabi. buti nalang kasama ko yung kapatid ko,hindi ko alam kung paano na kami nakauwi ng bahay..Umatungal ako ng umatungal habang karga ko baby ko at sinasabi sa kanya na, "Kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni mama, aalagaan kita hanggang paglaki mo???" Kinagabihan nang dumating asawa ko galing sa trabaho, nadatnan niya kong kargakarga yung 1month old baby namin habang umaatungal ng iyak??? Mixed emotion naramdaman ng asawa ko.at yun din nakita ko sa mukha niya. Di niya raw alam kung matatakot, kakabahan o matatawa raw siya sa itsura ko? muka raw akong aswang umiyak??? " My dear, si Sofie, magiging abnormal paglaki"??? sumbong ko agad sa asawa ko. Kinuhaan niya ko ng tubig at pinainom ng sa ganun kumalma ako. Nung mahimasmasan ako, story telling nako sa kanya kung ano ang naging ganap. after nun, niyakap niya ako habang tumatawa, "Kawawa namn tong asawa ko, oh eto kinse, pumunta ka ng computeran at mag research ka ng tungkol sa G6PD nang makasigurado ka." mga wala pa kming smart phone that time kaya need talga pumunta ng computer shop. Sa subrang shock ko, hindi ko.na rin naisipan yung suggestion ng asawa ko. pinangunahan na talga ako ng pagkabigla, natanong ko tuloy sarili ko kung anong pagpapabaya ang ginawa ko nung nagbubuntis pa ako at bakit magiging abnormal ang anak ko. To make it short, if ever positive talga ang baby nmin sa G6PD, may mga pagkain na bawal siya, but not to the extend sa point na katulad ng sinabi ng staff. Naku, nung nalaman ko talaga ang tungkol sa G6PD, parang gusto kong balikan ang staff. ??? Kung alam niya lang ang pag aalala na binigay niya sakin.. Gigil na gigil talga ako. Sa ngayon, lumaking healthy namn si Sofie, lahat din ng pagkain, kinakain niya. ang sabi, dapat nag pa confirmatory test kami nun para masabing positive talaga siya, kaso di namin ginawa kasi ang mahal. PinasaDiyos nalang namin..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung positive po si baby sa G6PD dapat may confirmatory test po yan just to make sure kung totoo po ba talaga. If ever positive talaga may mga pagkain lang naman siya na bawal po sa kanya.