Meet my baby Covi???

Share ko lng mga sis story ko. Mar 10 weekly check up ko kay Ob so nakita 1cm lang ako so sabi nya balik ka nxt week kasi hindi pa msyado open cervix at 38 weeks. Then binigyan nya ko evening primerose pra daw lumambot cervix ko at mag open, pag uwi ko ng bhay meron akong blood discharge so kinabukasan bumalik ako kay Ob so sbi nya normal nman mgkaron ng spotting kasi na IE nya ko.. so un kampante n ako mga momshie kaso napansin ko after blood discharge lagi ng basa ung panty ko pero tubig lang sya at laging sa.mdaling araw lng sya lumalabas sa mghapon ko wla nman so inisip ko normal discharge lng, so lhat ginawa ko lakad sa umaga lakad sa hapon.. until dumating na ung Mar 16 ng gbi me lumabas n nman na water skin pero konti lng kya sbi ko bukas n lng kasi check up ko na ulit.. so kinabukasan punta agad kmi kay Ob ayun pag ultrasound nya wla na pla kong panubigan kya sbi nya emergency CS na tau kasi 1cm ka pa rin ska hindi na lalabas ng normal delivery si baby kasi hlos ubos na panubigan ko.. Buti n lang andon ung anaesthesiology nya kya nai CS agad ako kasi nung time na un start ng lockdown kya pasalamat pa rin ako kasi me anaesthesiology that time.. Kya mga momshie anuman na me maramdaman kaung kakaiba sa pgbbuntia nyo wag po ipagwalanh bhala punta agaf kay OB pra hindi kau mapahamak pareho ni baby..

Meet my baby Covi???
36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan nangyare saken feb.18 ng 4am feb.26 pa dapat due date ko. nagising ako kase may nag leleak na tubig sa pwerta ko alam ko na hindi yun ihi kase kusa siyang lumalabas pumunta agad akong cr pag tingin ko sa short ko basang basa siya na parang may sipon pag naupo ako natitigil yung pag leleak tapos pag natayo naman ako ayan nanaman siya inaya ko na hubby ko sa ospital para mag pa IE no sign of labor ako pag I.E saken sa ospital 1-2 cm pa lang daw di pa daw ako manganganak. nilabasan na din ako ng brown discharge. pag IE saken ang sabi nung nurse parang di pa daw panubigan yun kase may nakakapa pa daw siya sa loob ng pwerta ko kaya nirequest ako for BPS pag ultrasound saken by 10am ang sabi kunti na lang panubigan ko kelangan daw mapaanak nako agad kunti makakatihan ako. ang problema no sign of labor ako at 2cm pa lang kaya ang ginawa saken induce labor sa awa ng diyos nailabas ko na si baby ng 6pm via normal delivery. healthy baby girl ๐Ÿ˜Š kaya sa ibang mommy pag may kakaiba na kayong nararamdaman lalo at kabuwanan na punta na agad ng ospital.๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
4y ago

congrats po at na i-normal nyo c baby ..