Stress sa Work
Share ko lng mga mommies ang nangyari sa akin kahapon. Actually, last month nag threatened abortion na ako dahil s stress sa work (sa ka work), pinag rest ako ng OB ko 1 month. Bumalik ako s work nung thursday, at kahapon nga mejo na bwisit n naman ako sa ka work ko. Nasa IT industry po ako at sadyang stressful pero yung mga Business Users ko mejo nasasagad ako. Kahapon 11 am, nanigas tyan ko kasi naiinis ako pinilit ko kumalma kasi kawawa naman si baby. Hanggang pauwi ko naninigas tyan ko kaya ni contact ko na OB ko, pina punta nya ako emegency para macheck. Nakita nga sa monitoring tool nila na may contractions ako. Ni turukan ako ng pang stop ng contractions. Kinuhaan ako ng urine at blood samples. At pelvic ultrasound (na nakakamatay presyo kasi iba daw rate pag gabi 8700 pesos). Sa awa ng Diyos, nakita na sarado ang cervix ko. At dahil nga talaga s stress muntik na ako ma bed rest. Sobrang bawal talaga tayo ma stress at magalit.
Working Mommy