Pagbumili ng maagang gamit ni baby

Share ko lang yung pamahiin na kapag maaga ka daw bumili ng gamit ni Baby mamimiscarriage ka daw. Kasi bumili ako ng diapers at wipes kasi sale sa online then sabi ng byenan ko. Masama daw po yung maagang bumibili ng gamit ni baby kasi yung tyahin nya ganun nangyari sobrang excited daw bumili ng mga gamit agad kasi di naman naniniwala sa pamahiin tas malusog naman daw baby nya pero nung 5mos daw nalaglag daw yung baby. Natakot ako kaya stop muna ako. Sabi sabi din ng iba pamahiin nga po yun. Inisip ko wala namang masama kung di nalang ako bibili agad ipunin ko nalang muna yung money.

85 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

haha ang masama sis wala kang pangbili ng mga gamit..pag mga 6months pwde na bumili ng mga gamit..wag kang maniwala dun..sa byenan mo..

VIP Member

Sabi nung iba 6 months kelangan na daa bumili kasi yung iba daw bigla na lang napapaanak ng 6 months pa lang. Ilang months na po ba?

pamahiin lang po yan mommy, mas okay na yung maaga nakabili na para nakaready na lahat hindi yung kung kelan malapit na saka ka magrrush.

VIP Member

pamahiin lng po iyon. ako ksi paunto onti bumibili ako lalo nat kpg lumaki na yung tyan ko hnd nako makakapag ikot ikot.

Ako po bumili ng gamit 6months onwards. Wala po nagsabi sakin ng pamahiin na yan kaya di nila ako mapipigilan 😂

Naku pano nlang pag napaanak ng 7 months e d wlang susuotin si baby.. Ako nagbabalak ng mamili..6 months preggy

myth po yan. ok lang naman ako nga 20 weeks ako non nag bili na ako ng mga gamit ni bb.. 35weeks na ako today..

Ako nga 10 weeks pa lang nakabili na ng onesies. Hahaha okay naman ang baby ko, 3month old na siya ngayon 😊

Hindi pako bumibili ng items for baby. Nasa cart lang ng shopee di pa alam gender kaya boy/girl ung items 😂

4y ago

Same, nasa cart p lang dn.

No, ako po 3 months palang nag start na kami bumili kasi mas okay yun para hindi mabigla sa gastos.