Skl
Share ko lang. There's this guy na nabuntis ako pero hindi ko boyfriend, opo kamalian ko na pumatol ako agad pero hindi ko rin masisisi yung sarili ko dahil siguro dahil gusto ko sya kaya rumupok ako. Then eto na nga, simula nung delayed ako sinabi ko na agad sknya na delay ako then kung ano man daw ang kalabasan ng nagawa namin ay panindigan namin dahil kasalanan sa dyos kung ipapalaglag, hindi naman daw nya kami papabayaan ni baby. Sige naniwala ako sa sinabi nya pero habang tumatagal lumalabas ang tunay na ugali nya. Days goes by wala na syang pake sa bata, isan tabi na muna yung relasyon namin na casual pero the fact na wala manlang syang amor sa baby ni hindi kinakamusta yung kalagayan o hndi manalng nagkukusa na mag sustento ng pang vitamins at checkup ko, simula pagbubuntis ko puro stress inaabot ko sakanya napaka walang kwenta. hanggang sa nalaman na ng parents ko na buntis ako nung 3mos ako. Btw im 5mos preggy na. And sinabi ko narin sa parents ko sitwasyon namin at tinanggap naman nila ko at si baby pero inadvicean ako ni mama na lumayo nako sa lalaki dahil muka nakong naghahabol daw which is dapat dko naman ginagawa. Siguro naman ayos lang din ipag damot ko sakanya si baby pag labas dahil una palang wala na syang amor at mukang hndi naman nya mahal kaya hindi ko na isisiksik ung anak ko skanya, kaya naman namin syang buhayin. At magsisi man sya sa huli e wala na syang makikilalang anak dahil diko isusunod last name sakanya. Sobrang sama ng loob, di rin nila ko masisisi dahil puro hirap at sama ng loob inabot ko sa lalaking yon. Papasok sa isang responsibilidad na hindi kayang panindigan. Buti nalang at nandyan parin magulang ko di ako pinababayaan.