My baby is in NICU

share ko lang po yung nangyayare sakin now im 3days post CS mejo okay okay napo ako pero si baby nasa NICU padin nung una napansin nila parang ang lalim ng pag hinga kaya nilagyan nila ng oxygen at inject ng antibiotics naging stable naman daw pero this morning kinausap nila yung mother ko para daw palagyan ng tubo si baby kasi malalim nanaman daw ang paghinga niya sobrang nanghihina na ako kada iyak ko sumasakit yung tahi ko wala akong idea kung ano ng nangyayare sa baby ko kasi bawal puntahan at bawal makausap yung bantay ko dahil may nga protocol ang hospital na bawal bantay sa loob pina CRP test siya pero di pa namin alam yung result meron po bang same case ng baby ko dito #1stimemom #advicepls #NicuBabies

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

thankyou po sobra sa mga prayers niyo mga momsh 5days napo nakalipas since nung nakalabas po kami ng hospital thankyou po sa mga prayers niyopo after 18days na gamutan ni baby sa NICU everyday ang mamahal ng gamot and laboratories kinakaya para maging ok lang si baby single mom lang ako and im only 20 yrs old basta kasama mo si god sa mga laban mo walang imposible lahat po makakaya at magkakaroon ng paraan pray lang po talaga katapat ng lahat ng problema

Magbasa pa