Hindi po ito tungkol sa asthma

Share ko lang po yung experience ko. Year 2017, naka experience ako na nahihirapan ako huminga. Hangggang sa isinugod na ako sa hospital dahil naninigas na ang mga kamay ko at nanlalamig na katawan ko. 19 years old palang ako non. Wala akong sakit na asthma. Lumipas yung taon, nakaka experience pa din ako ng paghirap sa paghinga at nasusugod sa hospital. Nakikita Nila na normal Naman Yung mga lab test ko. Kahit daw sa paghinga ko, Wala daw silang naririnig na kakaibang tunog. Dumating pa sa point na nasa trabaho ako at sinabihan ako ng operation manager namin na meron din daw syang naging empleyado na katulad sakin, madali lang daw mag hyperventilate or magpanggap na nahihirapan huminga. Masakit para sakin yon dahil parang pinagbibintangan ako na nag papanggap lang na nahihirapan huminga. Pero sa totoo lang, halos Hindi ko na Alam gagawin ko kapag nararanasan ko yon. Napapaiyak nalang ako sa pagod kapag pinipilit ko na irelax ang sarili ko. Pero ngayon buntis na ako, year 2021. Dumalas ulit ang pag atake. Nahihirapan ako lagi huminga. Nag pa test na ko gaya ng 2D ECHO. Meron daw akong mild mitral valve regurgitation. Na Kung saan minsan daw bumabalik daw yung dugo ko sa puso at hindi daw nailalabas or dumadaloy palabas ng puso. Pero mild lang Naman daw yon. Wala Naman daw magiging problema. Bago ako mag pa test ng mga ecg or 2D echo. Sinabi na din sakin ng ilang doctor na baka meron akong anxiety disorder or panic disorder. Need ko daw magpa consult sa psychiatrist. Ngayon naka stick ako sa sinabi ng doctor na mild lang Naman daw yung nakita sa puso ko. Hindi Naman daw dapat ikabahala. Ang problema lang ay yung kapag nahihirapan ako huminga, pakiramdam ko mamamatay na ako. Sobrang nakakapagod huminga. Nakakapanghina. Lalo Ngayon na buntis na ako at iniisip ko din kalagayan ng baby ko sa tyan. 27 weeks na ako ngayon. Niresetahan lang ako ng inhaler bilang support nalang kapag nahihirapan ako huminga. Talaga bang Hindi ako dapat mabahala? Meron din ba sa inyo na ganito ang problema? Dapat ba na mag pa second opinion ako para malinawan ako? #firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls #pleasehelp

Hindi po ito tungkol sa asthma
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nervous Breakdown tawag jan.

up