Share ko lang po galing ako check up kanina, based sa IE ko 2 cm na po ako at open cervix na after 2 wks ko na pagtetake ng eve prim. Matagal pa po ba progress nun bago mag labor? Kase nxt wk 40 wks due ko na at sbi po ni ob ko pag di pa ko nanganak, maiinduce labor na ako. First baby ko po at based sa last utz ko nung 33 wks ako nasa 3 kilos na po si baby kaya sobrang bantay sa diet ko si doc. After ko din pala ma IE today, halos 3 times na po ako nag red at brown spotting at panay ang sakit ng pempem ko. Any advice po para mas mabilis yung pag open ng cervix ko at para di ako mainduce labor? Thanks in advance po and goodluck sating lahat team November ❤️