Hello po.
Share ko lang po experience ko since nakakabasa din ako dito ng mga sharings, parang nafeel ko ishare yung akin. Im just 20 years old po, nagaaral pa. Then i got pregnant sa isang lalaking manloloko pala he's older than me 25yrs old may trabaho na at stable. Nung nakakaramdam na akong buntis ako wala ako masyadong worries i dont know why pero never ko inayawan ever since nalaman ko. Naisip ko this is my reason to change para magayos since i have done terrible things as a teenager. Di ko sinabi kagad sa lalaking yon hanggat di confirmed then nakita ko sa facebook may nagtag sakanyang babae sa isang shared post about relationship, dun na ako nataranta then kinonfront ko na siya kung sino yon at sinabi kong buntis ako, di niya natanggap ayaw niya. nililigawan na daw niya yung babaeng yon at ayaw niya ipaalam sa parents nyang nakabuntis siya at wag ko daw ssbhn sa babaeng yon na buntis ako. Days passed ang hirap ng dinadala ko buti nanjan mga tunay kong kaibigan na nagpapapostive sakin. Di ako mapakali, di na nya ako nrereplyan etc. Dun ko na naisip icontact si ate girl, parehas pala kaming niloko dahil yun pala 4months na silang magkarelasyon all his lies na wala syang girlfriend etc na busy sya sa work at walang time magloko grabe lang grabe. Ayaw pa maniwala na buntis ako tingin nila desperada akong hindi iwan nung lalaking yun well infact i was very ready to leave him if ever nagnegative ang pt kaso positive so i made a decision na lumaban para sa anak ko :( kahit magmukha ng awan mailaban ko lang. Nakipagusap si ate girl that she even said kung gsto ko daw kanila muna ang baby habang nagaaral ako which is a very big no no grabe kahit bata ako kakayanin kong alagaan anak ko. Binulgar ko na yung lalaking yun sa panccheat niya sa girlfriend niya and he even threatened me na kapag sinabi ko lahat lahat ng pagsasama namin may kalalagyan daw ako which is just wow kasalanan ko pa walang wala akong clue idea because yung babae pala nasa manila at minsan lang sila magkita pag naluwas ung kumag na yon. Ayaw parin niya maniwala at binantaan akong ipapaDNA daw ung bata dahil ayaw maniwala na kanya odba napakaduwag gagawa ng ganon tapos di kaya humarap sa mga mali niya. Pinapamukha pa na if ever kanya yon ung bata lang ang ieentertain or whatever na pnapamukha sking desperada ako sakniya jusko iyo na boyfriend mong manloloko ate. Kontign araw nlg nalalabi at ssbhn ko na sa magulang ko umagree si koya mo na haharap sya sa magulang ko, napaaga lang dahil nanghina ako nagkasakit ako na kelangan na iadmit sa ospital, diagnosed with amoebiasis at UTI buti okay prin ang bata. Di kinaya ng magulang ko dahil only girl ako at bunso. Biglang nagchat naman sakin ang ate nung lalaking un binantaan din ako na dont mess daw sa pamilya nila. Jusko po lord, please lang hinfi ako dsperada sa lalaking yon gsto ko lang magkaama ang anak ko :( nalaman ng pamilya ko snabi nung ate niya, nagalit sila at nagdesisyon na putulin lahat ng koneksyon sa pamilyang yon dahil kung ganon lang din sila kasama at kawalang puso mas ok pang kami kami nlg ng pamilya ko, blinock ko narin siya para wala nrn syang access saken. and now, im on my 4th month of pregnancy. Sobrang alaga ako ng magulang ko na sobrang pnagpapasalamat ko sa Diyos. Masakit man mga salitang nabanggit ng nanay ko sakin kasalanan ko din naman pero tnibayan ko para sa baby ko di pwedeng mahina, at mas walang stress dahil wala na yung manlolokong yon. ayaw niya ng anak niya makukuha nya karma niya. at gagawin ko lahat para maging successful ako para sa anak ko para hindi rin siya aapihin katulad ng ginawa nila. Thank you sa lahat ng nagbasa ng buong story nag haba haba pero nangyare yan in just one month hahahaha. Godbless to all mommies na lumalaban lalo na sating single mommies ❣️