Mga naipon kong gamit ni baby ❤️

Share ko lang, nakaipon din ako ng gamit ni baby kahit quarantine. Ang laking tulong ng online shopping talaga ❤️ I'm so excited for my baby girl! FTM here, currently 32 weeks and 4 days pregnant 🤰🏻

Mga naipon kong gamit ni baby ❤️
36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

😍😍😍 wow mumshie!! nakakatuwa naman..sarap tignan ng mga gamit ni baby., tapos color pink pa.. sarap talga mamili ng gamit lalo kpag girl baby mo . 😄😄 17 weeks palang ako excited na ako mamili ng gamit para kay baby ko 😀😀 God bless sayo mumshie!! have a safe delivery 😊😊

4y ago

God bless din sayo, mumshie! Enjoy sa pagbili ng gamit ni baby ❤️ thank you so much!

VIP Member

saaame!! ang sarap sa mata lalo nakakaexcite pag nakikita mga gamit ni baby 😍 hahahahaha. aaat sulit mamili pag sale sa lazada at shopee. sobrang convenient pa lalo bawal lumabas ang buntis. 😊 FTM din sa baby girl. due ko today pero ayaw pa lumabas ni baby. mas lalong nakaka excite. 😅

4y ago

Have a safe delivery po ❤️

sana all. nung nasa tiyan pa si baby ko, hindi nila ako pinag ipon ng gamit dahil pa daw ung gamit ng namayapang baby ng sil ko. hanggang ngayong nakalabas na si baby di pa rin nasusunod gusto ko kay baby. hays hirap ng nakikitira.

4y ago

Aawww, I hope everything will be okay someday, mumsh 😔

sanal all maraming pambili😂 nkakalungkot lang isipin first mom ako gustong gusto bumili ng mga ganyan para sa baby girl ko pero dahil sa pandemic kaylangan magtipid mas mahalaga parin yung magagastos sa panganganak❣️

4y ago

Oo nga po eh. Blessed pa din dahil may naipon ako before pandemic at may sahod pa rin po ako pati si hubby. Have a safe delivery po ❤️

Sarap sa eyes. Sakit din sa bulsa 😂 Suki din ako ng online shopping, tas ngayon nag sesave na ako ng pera kaya panay pre-loved items na binibili ko. Sarap gumastos for baby, wala na akong nabili para sa sarili 😂

4y ago

Oo nga eh. Wala nga ako masyado nabili sa sarili ko eh. Puro kay baby, hehe. Thank you, mumsh ❤️

Wow nakakatuwa naman po tignan! 😍 Same po tayo baby girl hehe. Gusto ko din po ng ganyan hehe kaya lang dpo kaya kasi single mom po ako! 💪😅 Have a safe delivery po and Godbless po sa buong family nyo! ♥️😊

4y ago

Have a safe delivery din po and God bless always ❤️ thank you, mumsh!

Super Mum

True. Super convenient talaga ng pag oonline shopping lalo na sa panahon ngayon. Ang dami. 😍 Have a safe delivery soon

4y ago

Maya't maya may kumakatok sa gate namin, delivery daw. Hahaha! Thank you so much ❤️

Wow!😍😍😍 Nakakakilig sa pakiramdam yan habang tinitignan gamit ni baby. Nakakaexcite💕Have a safe delivery po.

4y ago

Thank you very much po ❤️

VIP Member

sana all po first time mom din po ko kaso ni isa wala pa po kaming nabibili, I'm 5months preggy po🥰

4y ago

5 months din ako nag start bumili. Shopee and Lazada lagi since bawal mag-mall, hehe.

Super Mum

Momsh matanong ko lng, UV sterilizer po ba yung may mickey mouse na logo? Ano pong brand?

4y ago

UVi Buddy Dual Lamp 2.0 Sterilizer and Dryer, nabili ko po sa Lazada 7.15 sale. 7,999 php lang