Palabas lang po ng sama ng loob

Share ko lang nagtatrabaho po ako sa isang supermarket bilang cashier sobrang na-stress po ako sa isa kong supervisor. Lagi po nyang pinupuna yung pag absent ko knowing naman po nya na ang dahilan ng pag absent ko minsan ay dahil sa meron akong sakit at buntis ako. Minsan kapag naiinis pa sya sakin nilalagay nya ako sa counter na May mabibigat na items. Gusto ko na tuloy mag mat leave dahil sa attitude nya sakin. Naiintindihan naman ako ng mga iba kong supervisor sya lang naman yung gumaganun sakin. Sobrang stress nako sa kanya. 32 weeks na po tyan ko. And balak ko po sanang mag leave na by September. #1stimemom #firstbaby # 32 weeks

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ako sayo irereport ko yang supervisor mo na makitid ang utak! kamu if merong mangyari msama sayo at sa baby mo idedemanda mo sya. Alam mo sis, Now palang dpat alam mo if kelan ka lalaban or hindi. Kasi mga ganyan klaseng tao na hnd makaintindi dapat dyan nilulugar. Ewan ko lang if hnd yan bumait sayo bigla. baka insecure yan. kapag nireport mo sya baka mag silking aral sknya na wag sya gaganun ganun at pra hnd nya gawin sa iba pa. If hnd mo na maya mag mat leave ka na. Pero again ,ireport mo sya!

Magbasa pa

I-report mo mommy sa HR niyo. Tapos kapag di pinansin, ipa DOLE mo. Magna carta rights mo yan. Magkeep ka ng ebidensya na minamaltrato ka. Abnoy yang mga ganyang tao. Wala sigurong anak yan or ingget sayo. Mag iingat ka mommy, di biro yung work mo na laging nakatayo.

nasayo desisyon mii,saka wala ba kayo bagger kasama kada posting ? mahirap yan nasa 3rd tri ka kailangan natin iwasan na dugoin baka mapaanak maaga. Mii 105 days maximum ng mat leave, nasayo kong gagamitin mo agad.

report mo habang maaga pa ako nga tinaggal sa trabaho habang may sakit dahil maselan mag buntis kahit may med cert ako. laking abala ngayon kailangan ko pa mag sampa ng kaso sa company

2y ago

yun na nga po mii, pumasok ako sa work ko.kahapon, at linabasan na nga ako ng dugo sa pwerta, nagsabi agad ako sa assistant manager namin pinag undertime nya ko para makapunta sa OB ko. nirecommend nako ni OB na mag leave na dahil delikado manganak ng 8 months. nagsabi ako sa HR namin at ang sabi nya ang aga ko naman daw gamitin yung leave ko kung ang Edd ko daw ay oct 13. nakaka imbyerna lang kasi dinugo na nga ako sa kanila nung 1st trimester ko tapos ngayon 3 RD trimester kukuwestyunin pa nila na ang aga ko daw gamitin yung Mat leave ko. eh sinabi ko naman na yung reason ko.

baka never pa naranasan non mabuntis. pero mii tiis nalang muna para sa baby mo din yang work mo isang buwan nalang naman pahinga kana sakanya.

pwede naman po mag maternity leave nang maaga para di na po kayo ma-stress sa supervisor ninyo.

report mo po sa HR. kung hindi epektib, pwedeng pwede yan sa DOLE. women abuse yan ah

mag leave kana or mag resign

VIP Member

Kapit lang, mumsh ✨