BREASTFEEDING MYTHS ONLY in the Philippines!!

Share ko lang, nabasa ko sa facebook. 1. the kanin-ulam chronicles (kanan, kaliwa, parehong gatas ang nilalabas nyan. walang kanin, walang ulam, walang tubig...lahat gatas!) 2. ang dedeng pagod (panong mapapasa sa gatas ang pagod? napapagod ba ang gatas??) 3. ang dedeng malamig (kahit gano kalamig yang kinain at ininom mo, pagdating palang sa tyan mo nyan, mainit na din yan dahil mainit ang temperature ng katawan natin e di lalo naman pagdating sa gatas mo nyan, lalong wala na yung lamig nyan! isa pa, never pakong nakapag-pump ng gatas na malamig, kayo ba, nakapagpump naba kayo ng gatas na malamig???) 4. ang dedeng may sakit (hindi nadede ang sakit! pag may sakit ka, mas mabuting magpadede ka kasi imbes sakit ang madede ni baby, ang madedede nya ay yung antibodies mo kaya mas naiiwasan nyang mahawa ng sakit) 5. ang dedeng maanghaang (hindi aanghang ang gatas mo kahit kumain ka pa ng sili) 6. ang dedeng lasing (hindi malalasing si baby pag nakainom ka ng alcohol. basta DRINK MODERATELY. siguraduhin mo lang na hindi ka papakalasing at baka hindi mo maalagaan ng maayos si baby) 7. ang dedeng nagparebond (pwede ka magparebond, magpakulay, etc...in short legal kang magpaganda kahit nagpapadede ka! hindi papasok ang gamot sa buhok at pupunta sa gatas mo. kung matapang ang amoy ng gamot, pwede mong lagyan ng showercap pag magbbreastfeed ka para hindi maamoy ni baby) 8. ang dedeng pinaksiw (hindi hihinto ang gatas mo pag kumain ka ng maasim) 9. ang dedeng gutom (pwede pong magpadede kahit gutom. hindi po napapasa ang gutom. pag pinadede mo si baby, mabubusog yan kahit anong gutom mo pa!) 10. ang greatest white (hindi nman nakakdecrease ng supply ang kape basta in moderation pero lalo namang hindi yan nakaka-increase ng supply) 11. malunggay, malunggay, malunggay!!! (siguro nga kahit papano nakakatulong ang malunggay pero wag o.a. sa malunggay! kumain ka naman ng iba! balanced diet dapat! eat variety of food para healthy ka at makaproduce ka ng madami -Princess Rochelle Nuestro Ctto: Kiana Joms

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thanks sa info ๐Ÿ˜Š