Sama ng Loob
Share ko lang mga mommy, yung father ng baby ko may anak na sa una. Kami tumagal kami ng 2yrs alam kong may naibigay ako na hndi naibigay ng ex nya noon kaya nagkasundo kami, ang sakit sakit lang sa buong akala ko na pag nabuntis ako eh magiging masaya sya.. Nagkamali ako☹️ Since, 5months na akong preggy and thou mga momsh august1 ko lang nalaman na buntis ako and naghiwalay kme July31. Kinausap ko sya, sinubukan ko lahat para kausapin sya hndi para sakin kundi para sa baby ko, sa baby namin. Pero, nabigo ako. Never nya akong sineen at sinagot mga calls and text ko. Hndi ako ok sa fam nya, dahil mas gusto nila ung unang gf at anak. At pag nagka-baby daw ung ex ko sken hndi matatanggap ng fam nya? Pero, andito ako lumalaban. Para sa baby ko!! kahit na ang daming news na nakarating sken na isa lng daw pamilya nya kundi ung sa ex nya, tapos sinasabi daw nya busog lng ako na hndi ako totoong buntis. Bilang new mom, ang sakit pala na itanggi ng tatay ng anak mo kung ano ang totoo. Pilit nyang pinepeke lahat, para makatakbo sa responsibilad nya. And i saw his pic, kasama ung babae at anak sobrang saya ng bday party ng anak nya. Na buong akala ko mapaparamdam nya sa anak ko kahit nasa tyan palang sya☹️☹️ Sa baby ko, I'm really sorry. Lagi mo tatandaan na mahal na mahal ka namin, hndi ka man kilalanin ng daddy mo? Masakit pero maiintindihan mo rin someday. Isang tao lang nawala sayo/satin pero maraming nagmamahal sayo❤️❤️ Can't wait na makita ka, after 4months?? Sa father ng baby ko, Sa family mo na halos isumpa kami ng anak ko. God Bless! Si Lord na lang bahala sa lahat ng sakit at sama ng loob na binibigay nyo samin. Andyan lang ang karma, Kaya namin to☺️ 21yrsold palang ako, pero kinakaya ko lahat to ng dahil sa baby ko❤️
Everyday Law "ATTY., MAY DATING KALIVE-IN PO AKO, PWEDE KO BA KASUHAN ANG NANAY NG ANAK KO DAHIL AYAW IPAHIRAM SA AKIN AT SA PARENTS KO ANG ANAK KO?" ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY DAPAT SA CUSTODY NG NANAY AT ANG TATAY AY BINIBIGYAN LAMANG NG BATAS NG VISITATION RIGHTS AT HINDI CUSTODY RIGHTS SA KANYANG ILLEGITIMATE CHILD. HINDI PWEDENG ITIGIL NG TATAY ANG PAGSUPORTA SA ANAK DAHIL LAMANG SA HINDI PAGPAPAHIRAM NG CUSTODY NG ANAK DAHIL ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262. ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA. Meron nagtanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang legal remedy ng isang tatay upang makuha ang custody ng kanyang illegitimate child sa nanay nito. Ganito ang question niya: "Atty., may dating kalive-in po ako, pwede ko ba kasuhan ang nanay ng anak ko dahil ayaw ipahiram sa akin at sa parents ko ang anak ko. Pwede ko rin po ba itigil muna ang suporta hanggat hindi niya pinapahiram ang anak ko. Tatay din naman po ako na may karapatan sa anak ko. Tama po ba atty?" Pwede bang gawin na kundisyon ng tatay na ibigay sa kanya o kunin ang illegitimate child mula sa nanay at kung hindi ibibigay ay hindi niya susuportahan ang bata? Hindi po. Ang suporta ayon sa batas ay isang legal obligation na walang kundisyon na pinapataw para ito ay maibigay ng magulang. Ang custody ng bata na pinanganak kung saan hindi kasal ang magulang ay binibigay sa nanay. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code: "Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x" This is an absolute right of the mother at ang binibigay na karapatan lamang sa tatay ay visitation rights o ang karapatan na bisitahin ang bata. Ang nanay ang magbibigay ng karapatan sa tatay kung gusto nito na ibigay ang custody sa anak ngunit ito ay dapat dumaan sa korte. Ang pagpapahiram sa anak na illegitimate sa tatay o sa pamilya nito ay hindi agad nangangahulugan na binigay na niya ang custody ng bata. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang "parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law." Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas. Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang. Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na "If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority." Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment). Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, register at my website at www.e-lawyersonline.com. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Magbasa paSobrang same natin. 20 ako nabuntis sa firstborn ko. 21 na nung nanganak ako. Ang father ng anak ko two timer. Pero diko Alam na ako pala ung kabit sa kwento. Kasi pinakilala nya pa ako sa mga kamag anak nya ata katrabaho. Pinagtakpan sya Ng lahat. Tapos nahuli ko sya na may gf sya, masakit nun 4yrs na sila. Kumpara samin na Wala pang 1 yr nun. Naghiwalay kami pinipilit nya makipagbalikan Mahal na Mahal nya daw ako etc. Pero Alam Kong manloloko lang sya ulit Kaya di ko sya tinanggap, text pa din sya Ng text sakin until I found out na buntis ako. Sinabi ko sa kanya. Ang voila, di nya na daw ako Mahal. Instant as in. 😂 Tinetext ako ng gf nya buntis din daw sya tigilan ko daw sila. Sinubukan ko lumaban pero Wala pa din, feeling ko Hindi ko na sya kilala. Nagpapacheck up ako mag Isa, nanganak ako Ng Wala sya. Malupit pa nun nalaman ko na nagpakasal habang nagle labor ako. Never ko syang inistalk. Pinsan ko lang nagsabi sakin. Nung narealize ko na niloko Lang ako I let go totally. Nung 1 yr and 2mos si baby nagharap kami sa Crame, pulis sya. Initiative Ng kuya ko to and just to prove na Hindi ko na sya Mahal pumayag ako na ireklamo sya. Nung nasa Crame na kami bait bait nya, di nya ako tinanggi. Inako nya ung Bata at gusting ilipat sa apelyedo nya. Nag sign din kami Ng agreement para sa sustento nagkaron Ng sariling atm Ang baby ko, ako naka signatory since Bata pa sya Kaya monthly may allowance sya. Nung una kinakamusta nya pa ung Bata pero one time akala ko maoospital anak ko sinabi ko sa kanya, no reply. Hindi tumawag o anoman. I stopped. Hindi sya worthy habulin. Hindi Naman napuputol sustento nya so tatay Lang sya Ng anak ko sa papel. Now I am married. Sya na nakagisnan Ng anak ko na papa nya. Expecting for a new baby na din kami 4mos tyan ko. Super happy and contented nako Kasi Kung anong kinamalas ko sa ex ko doble double swerte ko sa husband ko. Mahal nya kami Ng buo ng anak ko..mas sya pa nga nag iisip Kung anong mga gamit kailangan Ng anak ko sa school or mga pang porma.. blessed din ako sa pamilya nya Kasi tanggap kami. Sobrang bait ng asawa ko. As for my ex, tulad dati diko sya ini stalk, never nakibalita. I treat him as a lesson na di na dapat balikan. Maghaharap na lang cguro ulit kami sa Crame after ko manganak sa 2nd baby ko Kasi nakalagay sa kasunduan namin automatic na tataas Ang sustento sa panganay ko pag nag aaral na sya. Until now 3200 pa din e 3 yrs na syang nag aaral mag si 6 yrs old na sya this yr. At dumoble na sahod Ng pulis. So ganun na Lang. Mga legal matters lang dapat ning pag usapan. Kaya ikaw mamsh never lose hope. Maging selective ka sa taong paglalaanan mo Ng panahon at Ng paghahabol. Mahalin mo sarili mo more than him.
Magbasa paWe're just the same girl. 😊 I'm 21 yrs old din Yung hubby ko is 27 yrs old. And yes may anak siya sa ex niya noon. Ayaw ng family ng girl sa knya Kaya nag hiwalay daw sila. Pati family ng hubby ko ayaw din dun sa girl. Pero may nangyari hnd ko gusto eh. Nalaman ko lng netong January may communication pala sila since Dec2018 Taz Nalaman ko lng sa mismo ex niya bglang nag chat saken. Kapal mukha eh. Ayaw nag away kmi. I was 8 months pregnant na. Pero iyak ako ng iyak. Kya sobrang galit ng family ng hubby ko sa knya at dun sa Babae. Kase tsaka lng sya nagpaparamdam na Nalaman niya mag aabroad na mister ko. Sbi ng family ng mister ko. Pera lng habol nun. Kung noon palang maganda asal nung girl edi Sana tanggap sya ng family ng mister ko. Taz nung gusto Nila makita man lng Yung Bata. Ayaw nung girl. Kaya hnd itinuring ng family ng mister ko na apo Nila Yun. Hanggang ngayon nag aaway prin kmi. Pero syempre di naman ako masamang Babae kya nag chachat parin kmi ng mister ko for update saken. Pero cold na ako sa knya. Yung parang wala lng 😊
Magbasa paSakin naman hindi matanggap ng tatay ng baby ko na buntis ako kaya bigla na lang siyang nagbago tapos nalaman ko na lang may iba na pala siya at yung bagong gf niya may anak na sa ibang lalaki saka nakakainis lang kasi mas pinili niya pa yung babae kesa samin ng anak niya. Pero tanggap ako ng parents niya kasi 1 year and 7 months kaming naging kami at dinadala niya ko palagi nun sa bahay nila kaya kilala ako ng parents niya. Umpisa nung naghiwalay kami never na kong kumontak sa kanya kasi palagi lang naman kaming nag aaway at sinabi ko sa kanya nung huling usap namin na wag na siyang magpapakita sakin kahit kelan o kahit sa pamilya ko kasi lahat kami galit sa kanya. Gusto ko nga apelyido ko na lang ang gamitin ng baby ko paglabas niya kaso yung family ng ex ko naman yung inaalala ko baka sumama yung loob nila pag hindi ko sinunod sa apelyido nila.
Magbasa paSame, 21 years old lang din ako nung nabuntis ako ng bf ko nun, same age lang kami, pero binata siya at kakagraduate lang, parehas tayong di gusto ng family ng bf natin, Sabi ng mama niya bakit daw di nalang yung ex niya yung nabuntis ng anak niya bakit ako pa, keso daw di daw sa anak niya yung baby ko, gusto ng bf ko nun na ipalaglag yung baby ko pero nanindigan akong hindi, Sabi nun ni mama kung di talaga niya papanagutan okay lang, kakayanin nalang namin. Pero inako niya yung baby namin and ngayon nagsasama na kami pero yung mama niya nagwowork sa dubai kaya di namin nakakasama, pero kahit okay kami ngayon di ko parin makakalimutan yung time na halos isuka niya yung anak ko.
Magbasa paWag mo na habulin wag ka magpakastress kung ganyan ginagawa nya sayo kasi kung mahal ka nya talaga ipaglalaban ka tlga nya and stay possitive nlng for the sake of ur child d lng nman cxa ang lalaki sa mundo d nya deserve ang pagmamahal mo pakita mo na kya mo kahit wla cxa OO masakit pero kailangan natin magpakakatotoo na d lahat nag stay !! Karma is digital kya relax urself isioin mo ung mga bagay na kung bkit d cxa deserve sau move on is the best kung kayo tlga tinadhana kau tlga jadine nga naghiwalay ee kaya wlang forever ..
Magbasa paSame situation. Laban lang tayo momsh! Kaibahan lang nauwi pa sakin si lip para sa baby ko alam nyang di nya makikita baby ko pag umalis sya. Minsan naman dun sya sa kanila nauwi kasi andun ex nya kasama 2 nyang anak sa una. Sinasabi nya sakin dun lang sya natutulog minsan kasi hinahanap sya ng anak nya. Ewan ko nalang kung maniniwala ako. Pinapaalis ko na sya ayaw nya. Malayo na kami sa isat isa. Ayaw lang n9n umalis dahil sa baby ko. Alam ko naman na wla na at sa susunod tuloy na hiwalay na talaga kami. Laban lang tayo momsh!
Magbasa paayaw din sakin noon ng fam ng bf ko ngayon dahil Ang gusto nila ung ex. they even said na buntis un kahit Hindi para pakasalan na. tapos biglang one day nalaman ko buntis pala ako. Sabi nila d daw sa bf ko un ambilis daw. pero Ang pinag kaiba lng natin ung bf ko Ako talaga Ang mahal at kahit ayaw ng pamilya nya walang syang paki. hanggang isnag araw nalang natanggap na nilang buntis ako actually one week palang since kinausap ako ng nanay nya. basta genuine ka sis at mabuti papabor din sayo Ang mundo
Magbasa paBe strong sis, ako nga din 5months preggy din and im 20. Pasaway kasi ako masyado dati e, palaging umiinum dahil sa barkada kya ayun naka 1night , buntis agad. Di pinagutan kasi may gf yung ama. D ko namn pinilit yung ama neto kasi kasalanan ko din tsaka wla akong magagawa. Naging malakas nalng ako pra kay baby tsaka sinopportahan namn ako ng fam ko. Wag monalang ipilit kasi aanhin namn kung may ama tapos wlang silbi or wlang hiya namn yun. Pray nalang
Magbasa paMakakaya mo yan momy isipin mo nalang hindi lang ikaw my gnyan na stwasyon at gwin mo motivation yung mga bad na sinasabi nila hindi para gumanti or what gwin mo yun para mgsikap at makaahon ka sa hirap or sama ng loob na bigay nila sayo at sa baby mo pero wag mo kausapin baby mo na my sama ng loob sa tatay nya kc mastress lang kayo pareho ayon basta laban lang kc gnyan talaga ang tao gwin ko pag ayaw sayo ayawan mo din
Magbasa pa