Long story pero....
Share ko lang baka may makaintindi saken. Nagkaron ako ng boyfriend 3mos plng kami nabuntis na nya ako. Si guy nung una friends lang kami alam ko may ka live in sya pero kwento nya saken nagsasama na lang sila para sa 2 kids nila pero civil na lang ang turingan nila. Ako naman si tanga naniwala sa pagsuyo nya saken kaya naging kami. Tinago namen for quite a while relationship namen sabi nya para daw di ako masisi ni girl (ka livein nya) dahil nakapag desisyon na sya umalis sa kanila para magjng maayos relationship namen dalawa. So ayun nabuntis nga ako at nagulat ako na ginegera ako ni girl sa social media pati friends ko ginugulo nya pinagkakalat niya na kabit ako ng partner nya. Nalungkot ako, feeling ko biktima ako pero naiisip ko yung pain ni girl na guiguilty din ako sobra. Feeling ko kasalanan ko, pero at the back of my mind ako lang ba? Dahil ba tlaga saken? Hindi ako masamang babae, first time ko mainvolve sa ganitong sitwasyon at di ko rin alam kung bakit umabot sa ganito. So ayun nagtapat ako sa family ko na buntis ako at pinakilala ko si guy. After nun for a month naging ok naman kami dalawa although si girl galit na galit pdin at di tumitigil sa paninira saken kaso biglang nagsorry at nagpaalam si guy sa txt lang. nalungkot ako alam ko na that time na wala na iniwan na ako sa ere ni guy. Di ko na inalam kung bakit o ano. I swear totoo hindi na ako nag habol, walang closure kami. Syempre umiyak ako at na stress pero naisip ko baby ko 6mos buntis na ko that time so pinatawad ko sarili ko at sinimulan ko mag move on. Nawalan kami ng communication until the weeks before ako manganak nagoaramdam sya.. nag offer sya ng financial support sa panganganak ko at magiging gastusin ni baby onwards. 3mos na si baby ko ngayon ang communication na lang namen ni guy is kapag kinakamusta nya si baby (chat lang) everytime nagbibigay sya ng pang gastos .. ang problema etong si girl ayaw ako tantanan at ginigiit nya na humahabol pa ko kay guy at patuloy ko daw silang sinisira pamilya. Cross my heart wala na akong balak makipag balikan kay guy, i have learned mu lesson and na realise ko sobra na nagtanga tangahan ako kaya tinama ko sarili by letting him go. Actually he tried 2x na makipag balikan saken but i was oushing him away dahil ayoko na din nawala na yung feelings ko sa kanya sa sobrang kahihiyan na natnggap ko sa work sa family at lahat ng kakilalanamen dahil sa pagpatol ko sa kanya .. nagkamali ako ng choice sa buhay ang chapter na ayoko na ralaga balikan. Si girl hanggang ngayon inaaway pa din ako ang hirap tuloy mag move on. Di ko sya pinapatulan pero minsan talaga sumosobra na sya sa pananalita nya saken. Nadisappoint ako sa sarili ko dahil nakasakit ako ng kapwa babae pero hindi ko din naman pwede hayaan lang na sisihin sarili ko for life over one mistake. Babalik ako sa dating ako, nabahiran man ako ng skandalo babangon ako at papakita ko sa mga nagmamahal saken na pinagsisihan ko yung nagawa ko at babawi ako sa buhay para sa anak ko..