Share ko lang, 3months na baby ko malikot na matulog. Kagabi around 1am naalimpungatan ako bigla kasi umiyak baby ko ng malakas yun pala natatakpan na mukha niya ng panyo( nasa uluhan ko yun pamunas sa gatas ko) naabot na pala niya, nahihirapan na pala siya huminga. Binangon ko siya agad. Naawa ako sa baby ko at the same time naguilty ako. pano kaya kung hindi ko siya napansin sa sarap ng tulog ko hays. Hindi na ako nakatulog magdamag. Pero okay naman na baby ko. Thanks god😇
#doubleIngatna
#worriedfirsttimemom
Anonymous