βœ•

Nakabukod pero pinakikialaman pa rin ng in laws?!

Share experience lang po... Ever since nag kaanak ako at nag karoon ng karelasyon mas gusto ko talaga nakabukod.. No in-laws or any other family member nakasama sa bahay kung ndi ung pamilyang binubuo nyo ng partner mo.. Ndi ko ugali makialam o mag comment sa buhay ng iba kasi ayoko din na gawin nila saken ung ganun.. So ganito na nga ang scenario.. Naka bukod kame ng partner ko.. So ndi naman talaga normally weekly nadalaw ang mga in laws ko pero lately every weekend nandito sila.. Syempre happy naman ako kasi nakakasama ng mga bata mga in laws ko.. Pero habang tumatagal ang dame ko na naririnig sa mga in-laws ko about sa parenting namen ng partner ko sa mga anak namen.. Negative comments pa.. Ndi lang yon even sa pamamalakad sa bahay.. Noong una natatanggap ko pa kasi iniisip ko baka nga mali ako o mali si partner ko.. Nasasabi ko na lang sa sarili ko kulang pa pala lahat.. Ex. Sa parenting namen ni partner.. Kinakausap ko ng English ung 2 years old son ko teaching abc's and numbers then dumating isa sa mga in-laws ko sabi nya "Ayy naku ndi ganyan partuturo ng abc's and numbers kailangan may sounds o kaya kantahin mo!" so ako naman ahh ganun po ba.. So no comment na ko.. Ung isa naman sabi panoorin ko ng mga videos.. Eh ayaw naman namen ma exposed masyado mga anak namen sa gadgets.. Bilang adult pde ko naman ipilit ung way ng parenting ko sa mga anak ko kasi alam ko naman tama ginagawa ko.. Kaso every time na lang na dadalaw mga in-laws ko ang dame nilang nasasabi saken na ndi maganda lalo na kpg nasa work partner ko.. Never ako nagsabi sa partner ko kasi alam ko temper nya.. Habang tumatagal tingin ko sa sarili ko napaka incompetent kong ina sa mga anak ko😞

2 Replies

VIP Member

we have different ways mumsh. its your family by the way. ikaw masusunod sa pagpapalaki at disiplina, because you know your child better than your inlaws. you know the weakest and strongest side of your child even your partner. lage ko nakikita sa anak ko yan( ah eto pala sya gnito pala gusto nya, ayaw nya yung teaching na gnito bc he found it difficult and found it easy the other way around) even sa pagkaen or any aspects of raising a child you know your child better than anyone else. you can try what they say o baka natry m n s una pero di effective let them know it or better ignore them na lang. ako i ignore them ksi ako naman nagpapalaki sa anak ko and minsan lang nila makasama apo nila so they don't know naapply ko na lahat ng suggestions nila when they comeover. lage sila may say pero ignore ko lang sinasabe ko na lang sa hubby ko tutal family nya un and my husband agreed with me always. tho d talaga mawawala na may oras n feeling naten talaga kulang tayo or mali tayo. but we are learning from it. malalaman mo naman na nagkamali ka na if there is something really wrong with your child. wag mo ipilit yung ayaw ng anak mo at gusto mo let them be, they know when they are ready nagsasabe sila or magulat ka na lang mkikita m marame na sya ntutuhan. cheer up. your doing good. and your child knows it.

No Mommy, you're not. May mga in-laws talagang ganyan. Ganyan din in-laws ko pero deadma lang ako at oo lang ako ng oo. Nakabukod din kami pero gusto nila everyday kaming tumatawag, sa totoo lang ayaw ko silang kausap everyday lalo na si MIL kasi daming hanash. Lalo na nung infant pa lang si baby, sa pagpapaligo lang pinapakielaman ako pero di ako nagpasindak. This is my child, my rules. May time na sinusunod ko sila para end of discussion. Hanggang sila na mismo yung parang nag give up at sinabi pa na "bahala nga kayo, anak nyo naman yan." So, okay. Kaya ngayon, tignan nila apo nila ang smart smart kahit suplado πŸ˜‚ Tinatanggalan kasi nila tayo maging Nanay sa anak natin. Tsaka once na sinunod mo sila, uulit-ulitin nila yan. Tsaka kasama na yan sa pagging Nanay natin. Depende na lang po satin kung paano natin ibabalance. Tsaka expect nyo na din talaga na may mga negative comments sainyo. Kasama yan sa buhay πŸ˜‚

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles