Lonely mom ....

Sept 17 edd ko no sign parin aq . Pag firstime mom ba tlaga inaabot ka ng 40 weeks ? Gusto ko n makaraos 😭 stress pako ngayon dko alam bat ganto ngfeel ko . I feel lonely iyak ako ng iyak πŸ’”πŸ’”πŸ’”#1stimemom

Lonely mom ....
88 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka mastress momsh, Ako nga po edd ko sep 9. Akala ko naglelabor naako nung Aug 29, Kasi maghapon hilab ng hilab ng tiyan ko. As in. Halos maiyak nako sa sakit. Kaya mga 9pm nagpadala nako sa ospital. Nagpaadmitt na din ako. At dahil protocol nga ang rapidtest, Nirapidtest ako. At inantay namin ang result. Siguro isang oras lang o wala pa nga e, Anjan na result. Kinausap ng nurse ung kasamahan ko sabi positive daw ako, Umiiyak ako nun habang nakahiga, RAPID TEST ANTIBODY (RTA) dalawa ung antibodies e, IgM at IgG, Negative ako sa IgM pero positive ako sa IgM. Hanggang sa nilagyan nako ng dextros, Tapos bigla pang pumutok ugat ko sa kamay kaya, Sobrang tindi rin ng maga ng kamay ko nun, pati ung nurse na naglalagay ng dextros sakin nanginginig na din siguro dahil tuloy tuloy talga ung dugo ko, Patak ng patak sa sahig. Siguro dahil nastress na rin ako at sa diko malamang dahilan kung saan ko ba nakuha un kasi umaalis lang naman ako ng bahay kapag may check-up. Kinailangan ko din ilagay sa private room walang ibang makakapasok. Pati bantay ko nd man lang makalabas para bumili ng pagkain. Unang IE sakin 2-3cm na. Kinatanghalian nun inaIE ulit ako. Biglang bumalik sa 1cm. Nagulat rin ung ob ko kung paano nangyari un, Nasasaktan ako sa mga panahon na un. Binisita ako ng asawa ko pero nagsusulyapan lang kami. 😒Bawal siya pumasok. 😒 umiiyak naako nun sa teleserye ko lang nakikita ganun e. Hanggang sa tiningnan ung bata kong okay pa ba o hindi kung palalabasin pa kami o hindi. Salamat sa Ama kasi okay na okay si baby ko. 😒 Kaya lumabas na kami kanina lang, Pinagbawalan din ako na magpacheck up maghintay nalang daw ako ng labor sa bahay. Tinanong ng asawa ko kung ano daw ba problema saakin? Sabi naman ng mga nurse Wala naman daw problema. No need din daw mag isolate. Basta wag daw muna magintertain ng bisita. Halos ayaw ko na talaga sa ospital. 😐😒

Magbasa pa