Can Pelvic Ultrasound miss twins?

Second pregnancy ko na po ngayon and its diferent talaga compared sa panganay ko po. Nung 14 weeks pa ako nagpa pelvic ultrasound, isa lang naman po yung nasa results. But I have a strong hunch na parang dalawa. And now Im at my 21 week then recently ko lang napapansin yung baby ko sa loob na gumagalaw. Kanina nakatagilid ako and same side po ng belly ko may gumalaw. Napaiyak po ako baka nga dalawa. Pero nabahala din kasi nga baka super anxious ko lang. Wala naman po akong dugong twins, yung husband ko po uncle niya is kambal. May possible ba talagang ma miss sa pelvic ultrasound ang twins? Plan ko naman talaga next month magpa ultrasound para po sa gender ni baby.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag both side mo nararamdaman galaw ni baby ibig sabihin naka transverse lie po sya, yan Di po kasi una kong tinanong Sa OB ko noon every time na hahanapin nya HB ni baby sabi nya nakabalagbag si baby mo kaya ganon, then nung nag 20weeks ako sabi nya mag pa ultrasound pelvic po ako Pero Di ko sinunod kasi parang ang aga padin para malaman gender nya mas ok kasi kong sure na, kaya nung nag pa pelvic ultrasound ako 27weeks baby boy 👦🏻❤️ sobrang saya ko, lahat ng result is ok na ok, kaya lang ayon Sa posisyon nya ko nag alala kahit Alam kong iikot p tlaga sya kasi naka breech posisyon sya, kaya todo Ingat ako halos araw araw nagalaw sya kaya ung kakulitan nya sinasabayan ko ng pakikipag usap sobrang nakakatuwa☺️🥰🤰🙏🏻❤️ hoping na umikot na sya ngayon 31weeks na kami,❤️

Magbasa pa

parang impossible naman po mag ka mali ang pelvic ultrasound kasi po ang 14 weeks malaki na po sya para di makita kung dalawa po sila.kahit nga po pag sac pa lang malalaman na po kung single or twin.

Did tvs and pelvic, both results suggest that i have twins. Kung ano po yung nakita sa ultrasound na number of embryo/fetus yun po talaga, never yan mami-miss since expert naman po ang nagco-conduct.

I don't think so. Malaki laki na si baby nang 14 weeks so dapat ma-detect na rin yung kambal kung meron man. Pero best talaga ang magpa-ultrasound ka ulit para di ka na mag isip isip pa.

bka momsh nka transverse lie c baby kya both side mo nraramdaman yung movement nya..mlaki n kc ang 14 weeks pra may ma miss na isa..

akin dn po kanan kaliwa ung galaw ng baby pero dpo twins. malawak pa po kc gnagalawan ng baby kya po ganyan

No chance ma miss yan sa ultrasound. Baka yun kasi ang gusto ng isip mo, kaya yun yung nafifeed sa emotions mo

Pa ultrasound ka nalang po uli. Kesa nag woworry kayo. Hinde yan masasagot dito mommy. Ultrasound lang tlaga.

ganyan din po sakin minsan sabay na side may galaw pero one lang baby ko nag pa 3d na ko

thank you po mga mommies. Next month papa ultrasound talaga ako. ☺️