Hello po..

We are scheduled for assessment 7 months from now.Pero medyo magulo lang sakin. My son is 4 years old po. Nasasabi niya lahat like gusto niyang food,kung nagwiwi at poop siya. Marunong siyang makipag negotiate like bago niya gawin yung pinapagawa ko sakanya laging gusto niya may kapalit.For example sasabhin ko sakanya na brush your teeth tapos sasabihin niya Play cellphone?Meaning play siya ng phone after niya magbrush ng teeth. Nakakaintindi rin siya na kapag sinabi ko na kapag behave siya sa school mag ba-buy kami ng toys niya.Alam niya na rin lahat ng letters,diff.kinds of fruits,vegetables,animals. Nakikipaglaro din siya sa mga bata pero hindi siya talaga yung sobrang nakikipag communicate pero sa kapatid niya naman nakikipag usap siya,kapag may ginagawa yung ading niya na hindi tama like umakyat sasabihin niya "Mama si Ading akyat""Baba dyan ading,hulog ka dyan". "Si ading tuma*" Pero nagtataka lang ako kapag sa ibang tao hindi pa siya ganun nakikipagsocialize the way na nakikipag usap siya saamin. Dati ang lala ng echolalia niya kahit saamin pero tinuruan ko siya kung ano isasagot niya and hindi na ulit siya nag echolalia saamin pero sa ibang tao medyo meron pa rin siyang echolalia..Minsan nag side eye din siya pero sobrang dalang lang hindi siya araw araw may times lang talaga..Bukod dyan wala naman na akong nakitang kakaiba sakanya.. May ganito bang case na nadiagnose ng Autism or GDD?Thank you po sa sasagot..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

had the same concern with my toddler at 2yo. delayed sia as compared sa 1st born namin. so we started na ipasok sia at 2yo sa playschool. sinabi ko ung concerns ko. then, sabi ng therapy center, they will observe if need ba nia ng therapy. so when i asked again if need pa, hindi na raw nia need ng therapy. during playschool, they were doing the assessment na pala. so kung ano ang kulang, they will apply during the playschool session. we observed na thru playschool, nag improve sia. gustung gusto nia na may kalaro sia. sa kalaro nia sia natutong magtagalog. kapag may nagustuhan siang tao sa labas, whether bata or matanda, ayaw na nia sumama sakin. ahehe. ang maganda sa playschool na pinili namin, it was designed for without and with special needs. kaya they know the right approach for the development of the child. nasa daycare na ngaun ang anak ko at 4yo.

Magbasa pa