MIL

May sarili kami place ni partner pero since na CS ako and need ng kasama sa bahay, dito muna mami sa MIL ko. Pinakikisamahan ko naman at nakikinig ako sa mva gusto niya. Pero sobrang nakakainis eh. Nagalit na may sterilizer kami. Sayang daw space. Tas ang arte raw na may baby laundry wash and detergent. Isasabay lang daw niya labhan damit ni baby sa damit namin. Magiging maarte raw kasi si baby :( tapos yung panghugas ng bote, ayaw din niya. Ang arte raw bat may brush pa at bottle cleaner liquid. Joy lang daw ilalagay sa bote tas shake shake lang daw. Tapos nagttry ako pa breastfeed tapos sabi niya wala raw nakukuha kaya bumili siya formula :( tapos nakaka 60ml lang si baby na milk sa isang araw kasi di na raw need gisingin para dumede. Advise kasi sakin every 1 hr since may gdm ako. Pero pinapalatch ko pa rin baby ko kaso iyak kasi ng iyak eh. Tas sa pag ligo, sa sink lang. Running cold water lang naaawa ako kay baby. Tas partner ko nakikisang ayon pa. Arte ko raw.. Tinanggal na rin niya mittens kahit di pa nagugupitan si baby... huhu 4 days old pa lang si baby. Kwawa naman Sa mga nag sasabi po na dun ako sa parents ko... gusto ko man pero si dad ko ay taga Australia po. Mommy ko po ay nakakulong. Mga kapatid ko malayo po eh. Las pinas ako ngayon sila po nasa may north KAYA PO KAMI NASA MIL KASI FRONTLINER PO PARTNER KO.

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang ang hirap, pag kinausap mo kasi MIL mo na ikaw na bahala kay baby, parang ikaw pa mismong nanay yung mamasamain.

Ikaw po ang nanay kaya ikaw ang dapat masunod, ipaintindi mo po sa partner and MIL mo kasi kawawa naman po si baby.

Omg momsh wala po respeto sayo mil mo.. Better ikaw na lang mag alaga sa baby mo.. Baka pagmulan mo pa yan ng PPD

Dios ko, parang papatyin niya apo niya. Sabihin mo, eh ano kung maarte ako, afford ko rin naman! Gigil ah!!!!

Pakialam ba niya, ayaw niya yata saiyo momsh. At cold water paligo? Papatayin niya ba anak mo? Siraulong MIL.

VIP Member

Sobrang inconsiderate naman po ng mil mo at partner mo. Hindi ba nila marespect yung gusto mo for your baby.

Mommy Baby nyo po yan dapat kayo po ang masusunod. Better na kausapin mo talaga ang mama ng asawa mo.

Naaawa ako sa baby mo sis lalo sayo. Dapat ung partner mo ikaw ang kinakampihan eh kasi ikaw ang nanay. :(

Nako pag ganyan byenan ko Juskoo Kung Mali Mali at Wala Naman sa ayos Yung gusto nya sasagutin ko talaga

Sobra sobra nga. ..ang hirap nyan. Di ka maka hindi dahil kailangan mo din ng katuwang sa bahay 😥