Pwede bang gumamit ng BL Cream ang Buntis 17 weeks, para sa pagpahid lang sa kamay.
Hi! Sana may mga sumagot, Pwede bang gumamit ng BL Cream ang Buntis 17 weeks, para sa pagpahid lang sa kamay may kati kati kase, safe poba for baby? Sino nakaranas na dito. Thank you so much! #teamAug
Nakalagay po sa label ng LS BL Cream na Contraindicated po eto sa pregnant and lactating women... at Isa pa eto po ay dapat nirereseta ng Doctor hindi po basta basta dapat gumagamit ng ganitong cream buntis man o hindi dahil may laman po etong Ketoconazole -Anti Fungal at Clobetasol- na Isang cortecosteroid na kung Mali po ang pagamit at hindi si Doctor ang nagsabi ay maari po mas lumala pa ang sakit sa balat. Mas mainam po pa Consult kayo sa OB o di kaya ay sa Derma para mas nakakasigurado safe po at effective ang mailagay niyong cream sa katikati niyo . btw ako po ay may Eczema at never ako gumamit ng mga ganyan.. nung buntis ako mga mild lotion lang ang ginagamit ko at umiiwas sa mga pagkain na posible mas lalo pa makalala sa skin condition ko . Godbless
Magbasa patry niyo po gumamit ng sulfur soap mas better po then lagay lang ng katialis or sebo de macho para mawala po ung scar at iwas pangangati ganyan din po ako ngayon pero ngayon medyo nawawala na siya
langis langis lang mi.. ganyan ako pag sampa ko ng 8months. buong katawan. pero ngayin malapit na lumabas si baby. oks na sya natuyo na kaso ngalang may mga peklat na hehe
order ka sa shopee mi ng skinfighter color yellow yun. super effective xa sa mga skin problems. 6mos preggy ako nagamit ako nun
meron din po ako nyan ung ginamit ko lng po ay bawang sobrang kati kinukuskus ko ung bawang. magaling n sya ngaun mga 3x lng ako nglagay
no po ako been experiencing eczema at ang pinapahid ko lang is petroleum jelly pag nag oover dry na sya better use oatmeal soap po
Magbasa paAko po nagamit ng Dr. Kauffman Soap + Canesten sa kili-kili since nagkaroon ako ng pangangati and it was advised by my OB.
ako ou gumamit ako kase nag sugat n makati kamay ko BL lng nkagaling
nagkaganyan din ako mamsh nag sabon lang ako sulfur soap tapos lotion after. nawala na yung kati in 1 week.
buds and blooms mi mas safe sa preggy pede din kahit sa tummy iapply or kung san may rashes .. 💙
ako din 9 months dami Kong kati kati hot compress lang sa Banda saan Makati.
Dreaming of becoming a parent