22 Replies

Favorite ko siguro yung binalikan niya kaming mag ina at naging responsable at pinipilit pang mas maging responsableng ama para sa anak namin. lagi kong sinasabi sa kanya kahit wag na ako, yung anak na lang namin palagi niyang isipin at iparamdam ang pagmamahal kasi never ko yon naranasan sa Papa ko. Ayoko mafeel din nang anak ko na Parang wala siyang Tatay kahit kasama niya yung tatay niya. And I'm happy kasi nakikita ko kung paano niya iparamdam sa Anak namin yung Love that I longing. 🥲😊

Pinaka favorite and unforgettable moment namin ng asawa ko ay noong nanganak ako sa 1st baby ay nag pumilit talaga syang samahan ako hanggang sa loob ng Delivery room para gabayan ako sa pag ere. Bawal na bawal pumasok doon maliban saakin at ang OB ko pero hindi ko alam paano nya napa’payag ang doc at lahat ng nurses. Kaya ayun hindi ako nahirapan ilabas si baby dahil hawak kamay pa kami habang umiiyak pa ako at umeere.

ung nag bukod kami. ung pumayag sya na bumukod kami at mamuhay ng kami lang, malayo sa mgulang para maiwasan ang di pagkakaintindhan.tapos nagumpisa naming buuin ung pamilya ng kami lang. nag desisyon para sapamilya namin. pinagaralan lahat ng bagay. budget, pagaalaga sa anak at pag pundar ng sariling gamit.

Favorite and unforgettable moment ko , ay ung first transV ko na naconfirm nmin na magkakaroon na kami ng anak , parehas kaming umiyak sa hospital kahit may mga tao sa paligid namin , kase sobrang saya ng puso nmin na natupad na ung matagal naming pinagdadasal ♥️

pinakafavorite ko yung lahat ng nasa paligid namin may baby na, sa una nakakainggit, hanggang sa nasanay na kami, natanggap namin na kapag walang dumating ok lang, kapag may dumating, mas ok, napakabait ng partner ko (MINSAN HEHE) kaya thank you Lord talaga

siguro one of the unforgettable moments is when we found out that we were having a baby. the looks on his face and our feelings together lalo na when our kid is a daughter sobrang happy namin

VIP Member

nug kami Pa, sobrang maeffort sya. may mga koning gestures na na appreciate ko. fave ko yung nsa bahay Lang kami maghapon after maglaba. nkkinig ng radyo at nanunuod ng movie

pinakafavorite moments ko yung day na nalaman niyang buntis ako lumabas agad siya ng bahay sabi may bibilhin lang siya yun pala binilhan ako agad ng gatas at fruits 😊

yung way pano kami una nagkakilala 😅 napagkamalan ako lalaki dahil sa code name, nung nari ig na nya boses ko ayun kumalma at tawag na ng tawag 😅

Favorite moment yung nag.aayos na kami ng requirements para sa kasal , araw-araw sya excited. Ang sarap sa pakiramdam , napaka.genuine ❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles