14 Replies

kung capable ka magtrabaho ay go for it. tapos ikaw ang magsustento. palit kayo kamo. check for his response. ako iyan talaga ang sinasabi ko sa LIP ko. na kung sa tingin nya ay madali ang ginagawa ko sa araw araw ay magpalit kami. ayaw naman pumayag. kaya everytime uuwi sya from work ay laging sya ang gumagalaw na sa bahay. sya rin patulog sa baby namin everynight. karaniwan pa ay sya na ang nagliligpit ng dinner at linis bote ng bata tapos ay sasabihan na akong mahiga na at magpahinga. ganoon dapat. let him experience yung maghapon sya ang kikilos, malalaman nya kung ano ang hirap. kapag nalaman nya ay naging mas matulungin at appreciative sya sa nagagawa mo for the household ay keep him. forgive. kapag naman naranasan na nya ang hirap tapos ay walang pagbabago, think again, hindi ganyang tao yung gugustuhin mo kasama sa mahabang panahon.

maliit pa kasi anak namin dipa pa pwedeng iwan. walang mapagiiwanan nasa ibang bansa kasi kami..sa totoo lang gustong gusto ko ng umuwi...isang beses dinala nya ako sa bilihan ng damit kasi bibili daw nya ako,, nakita ko ang presyo ang mamahal, sabi ko waf na saka nlng kasi ang mahal .tapos biglang sabi nya " kaya dapat mgsumikap ka para makabili ka ng gusto mo" sa totoo lang nanliit ko sa sarili ko pigil na pigil ang iyak ko nun grabe ba.. diko nasabi na nung hindi ko pa asawa nabibili ko lhat ng gusto ko at may trabaho ako nun..tapos pag sa bahay inutusuhan ko parang sino ako para utusan sya parang ganun halos lahat ako. hindi nya naaapriciate ang ginagawa ko sa araw araw sobrang bagot nanbagot ako kasama ko lng anak ko ksi nagwowork nga sya...minsan nahuhuli ko pa syang nanibingin ng babae sa fb sobrang kupal sya pa galit nung sinita ko sya...kung may rewind lang talaga babalik ako sa araw na hindi ko sya makikilala. naisip ko kinabukasan ganito nanaman ako sa pagtulog sa gabi naiya

Same situation Po Tayo mam di lang ganyan salita na ttanggap ko lagi sa aswa ko may mura pa 🥺 sAsabhn pako tamad Kasi NASA Bahay lang daw Ako di Ako makatulong sknya natural Po wla Ako mapag iwanan sa mga anak Ako wl Ako mapag kakatiwalaan mag alaga sknla Lalo na panganay ko my cerebral palsy Po at nasundan Ng bunso ko 1yr and 7 months napaka hirap Po Ng situation ko madalas Po Ako sisihin Ng Asawa ko pag salitaan Ng fi maganda halos Ako na NGA Po Ang kumikilos sa loob Ng Bahay 😭 napka hirap Po talaga para nalang sa mga anak ko kaya nag titiis nalang Ako minsan iniisp ko nalang nga Po mag paka matay nalang dahil sa mga natatanggap ko salta sknya pero iniisp ko pano mga anak ko pag nawala Ako 😭😭😭 ramdam Po kta ate dhil mas masma pa Ang naramdam ko 😭

nasabihan na rin ako ng partner ko one time ng "wala kang kwenta tandaan mo yan" idk kung bakit nya nasasabi yon sa kabila ng lahat ng pagmamalasakit at pag aasikaso ko sa kanya at sa loob ng tahanan bukod pa ang pag aalaga ng anak namin. pero isa lang maiintindihan ko that time yun ay dahil parehas kaming galit at nakakapag bitaw ng masasakit na salita. lately nauna naman syang humingi ng tawad sa mga nasabi nya sakin at tama nga ang hinala ko na dala lang ng galit. alam ko kasing stress na rin talaga sya kasi bilang provider ng tahanan kahit pagaanin natin ang loob nila mape pressure at mape pressure talaga sila kapag alam nilang kapos at hindi sapat ang naipo provide nila sa pamilya. yun nalang ang inisip ko

siguro po ay narcissist ang asawa mo mi kaya binibring down ka or di ka na nya po mahal. di po kasi ganyan trato pag mahal eh. nakakapagtaka lang. sana baka pwedeng may relative ka pong makatulong, layasan nyo na po yan mag-ina mi. deserve na maiwan yan. isipin mo na lang po kakalakihan ng anak mo na ganyan papa nya sa mama nya, childhood trauma po huhu

One time nasabihan din ako ng asawa ko ng nasa bahay ka lang naman. kinabukasan weekend wala syang work sya pinag alaga ko ng anak namin, sya din pinaglaba ko ng damit namin sya lahat pinagawa ko sa bahay habang may alagang anak. Ayon di na nya inulit sakin magsalita ng ganun akala nya ata eh ang sarap ng buhay ko sa bahay eh mas masarap nga ang buhay nya sa work dahil kahit paano may breaktime sya pwede syang lumabas ng office anytime, mag cr anytime. Samantalang ako na ang break ko lang eh every weekend ksi andito sya sa bahay (kami lang kasing 2 magkasama though may pamangkin sya dito samin pero bata pa kasi yun di ko din naman maasahan). Simula non never na sya nagsalita ng ganun sakin.

Madali magsalit na mag trabaho ka o mag side hustle ka. Pero mahirap kasi sayo lahat ng gawaing bahay or sayo lahat 24 hours alaga ng bata. Or wala ka din mapag iwanan sa mga bata. Wala ka na nga time para sa sarili mo. Like mahirap din iwanan bata sa ibang tao. Basta importante bantayan mo mga bata, safe sila sayo. Pag usapan niyo ng mister mo, kung gusto nya mag alaga ng bata o gusto ba niya ipaalaga sa iba para magtrabaho ka na lng. kala kasi nila madali pero grabe napapagod ka din araw araw, kahit wala kang ginagawa pero may bata nu umaasa sayo 24 hours. May bata na nangangailangan sayo 24 hours.

TapFluencer

Oh no wala po siyang respeto sayo. But I will tell you Mama na may kwenta ka, you are worthy! You are irreplaceable sa iyong anak. I'm not sure how your relationship is like with your spouse/partner, but he should know na what he said is not okay and you will not tolerate that kind of disrespect. Mommy always strive to be self-sufficient, you'll never know life. Dapat no matter what happens, secured ka dapat na kaya mo buhayin ang sarili mo at ang anak mo. Yakap Mommy! God loves you and He knows what you are going through and He is in control :)

nakakatanggap din ako minsan ng ganyan sa asawa ko pag galit sya.ewan ko ba sa kanila ang bilis nila magbitaw ng masasakit na salita tapos at the end of the day manunuyo na parang wala lang sa kanila na nakasakit na sila ng damdamin.hay naku..keep praying na lang sis..iyak-dasal na lang gawa ko..

VIP Member

Di mo deserve ganyang treatment mommy. Lahat ng housewife dito alam kung gano kahirap ang role natin. Hindi ko alam kung anong buong story bakit sinabihan ka ng ganyan ng asawa mo pero NAPAKA STRONG MO. Makakahanap ka rin ng sagot mommy. Stay strong momsh.

kung sya kamu pagud na pagud sa trabaho .. ikaw din.. buti pa nga kamu sya may sweldo samantalang ikaw mas mabigat pa ang trabaho mo.. pero wala kang sweldo. kung hindi ka sana nya inasawa adi sana malaya kang makapag trabaho.. at kumikita sa sarili mu..

VIP Member

Hello. Ang hirap niyan. Nakakawala yan ng pagmamahal at nakakaubos ng pasensya, sarili at pagkatao. Kung hindi niyo mapaguusapan at hindi magbabago ang mindset niya, mauuwi kayo sa hiwalayan. Much better wag mo na patagalin.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles