ask ko lang po pwede bang kalahati lang ang bayaran sa philhealth.
sabi po kasi nung nakausap ko through phone sa philhealth need bayadan 2019 ng dec at january at whole yr ng 2020 at 2021.. abot sya ng 8k.. balak ko po 4k lang bayadan..masasakop po kaya ang panganganak ko non? bale saka ko na babayadan ang kalahati pag may pera naulet.#pleasehelp #1stimemom
Ganyan din sabi sa akin sa information nung nag punta akong philhealth office, pero pag dating ko sa counter nag tanong ako kung magagamit ko ba yung philhealth ko kung babayaran ko lang ay yung buong taon ng 2021, magagamit ko daw. Kaya binayaran ko lang yung ngayong taon.
ganyan din po sinabi saken nun sa Philhealth , need ko bayaran kung kelan ung last hulog ko before ko magamit sa panganganak kasi may bago raw po silang mandatory rules na pinapatupad kaya no choice po binayaran ko kung kelan last hulog ko at kung kelan ako manganganak .
Sa akin naman po, from Nov 2019 up to present daw po ang dapat bayaran. Kahit sa ospital po kapag nakita sa system nila hndi po ata maaapproved yun once na ggamitin niyo na po kung di bayad ang 2019.
Mismong philhealth po ba natawagan nyo? Sa pagkakaalam ko po, this year lang need nyong bayaran, this 2021 lang po para magamit nyo yung philhealth po.
kylangan mo pong bayaran yon mommy ganun din po skin eh pinabayaran samin para daw po magamit kaylangan pag dating ng due mo eh nahulogan mona
ako po binayaran ko simula month nag stop ako nawalan me work last august 2020 so september 2020 to december 2021 (EDD) P300/month
Sa akin po gamit ko Indigent kasi yong private Philhealth ko hindi nahulogan, wala po akong binayaran maski piso ☺
Kakabayad ko lang po at pinabayaran lahat saken. Ayun daw ang bagong rules nila umabot 7k binayaran ko
iba na kasi patakaran ni philhealth ngayon yung mga taon na lapse pababayaran na
kung 4ps oh listahanan ka po....libre lng philhealth
mom of two beautiful but naughty girls .