25 Weeks

Sabi nla masyado dawng malaki tyan ko for 6 months. Ano po ba tips para d masyadong lumaki? Update: ok naman daw ang laki ni baby sabi ni OB. Mejo affected lng ako kasi parang araw2 sa opisina sinasabi na malaki tyan ko. Since nabuntis naman ako d na ako kumain ng oily, salty tsaka sweets. 8 hrs lng din tulog ko every night. :(

25 Weeks
105 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang mga babae sis pagnagbubuntis hindi pare parehas ang laki ng mga tiyan nila. Merong maliit. Meron ding malaki. Siguro andun ka sa side na malaki talaga ang tiyan pag nagbuntis. Huwag pa affected sa mga sinasabe/ napapansin nila. Mastress ka lang jan. Dahil nga sa malaki ka sigurong magbuntis, kailangan mo na lang magdahan dahan sa pagkain ng sa ganun hindi masiyadong lumaki tiyan mo. Pag malaki kase mas mahihirapan kang manganak. Pero im sure kaya mo yan.. Godbless

Magbasa pa

ako man sis 25 weeks malaki ndin tiyan ko, parang 8 months na pero sa timbang buhat ng nbuntis ako 6kg palang ndagdagdag sa akin, depende talaga cguro sa build ng katawan ako kc chubby talaga bago mabuntis..if normal size nmn po c baby sa loob ignore nyo nalang po ung pumapansin sa tummy nyo, ako kapag cnsabihan ng ganun sagot ko nalang po mataba kc ako bago nbuntis.

Magbasa pa

Hay naku ganyan din ako lahat sinasabi malaki tiyan ko. Deadma ko sila haha basta i make sure na good food ang intake ko plus di ako nwawalan ng walk everyday. Ayun nai normal delivery ko naman si baby and 3hrs lang ako nag labor. 3.2kgs baby ko. Kaya kaya mo din yan momsh wag paapekto sa sinasabi ng iba 😊

Magbasa pa

I'm on my 6th month as well momsh pero ang tyan ko di halatang 6mos. Timbang ko lang tumaas and advice ng OB ko magbawas ng weight, other than that is fine. Buti nlng c baby normal and healthy. Meron tlga na iba2 ang pagbubuntis, importante is healthy kayo dalawa ni baby mo. God bless on your journey momsh😊

Magbasa pa
5y ago

Yun ang nakakainis kasi kung anong iwas mo yun din ang time na pati sa panaginip mo lahat sweets lahat bawal na foods. Hahaha halos araw2 na kami nagbabangayan ng hubby ko kasi xa ung taga pigil ako ung taga pilit lol😁

Mamsh kahit pa po ganu kalaki yung tiyan mo. Wag mong pakinggan yung sinasabi nila kasi iba2 po magbuntis. Ako nga maliit nung 5-7 months biglang laki nung 8 then hanggang ngayon na kabuwanan ko na. Don't mind them nlg po. Ikaw din naman at si baby ang importante na dapat healthy till delivery. :)

Dedma mo na lang mommy, ganyan naman lagi ang community natin meron at meron silang comment. Ang importante tama ang sukat ni baby pag ultrasound at hindi ka nagkakaroon ng hypertension o ano mang karamdaman. Si OB mismo magsasabi sa yo kung kinakailangan mong umiwas sa certain na pagkain.

May kanya kanya naman po tayo pagbubuntis. Ako kasi maliit lang na babae then my husband is malaking tao. Akala ng kapitbahay namin kambal baby ko. But according to my OB dahil sa tubig sa tyan ko plus mahaba si baby katulad ng daddy kaya ganun. Nung nilabas ko nga baby ko 2.7kls lang sya.

Wag nagpapaniwala sa sabi sabi ng iba momshie..sabi ni doc ok dipoba..maging kampante ka na lng po..gnyan din aq bgo manganak..sinasabi malaki tyan ko..kesyo baka kambal dw.ung anak ko..sbi ng doctor ok nmn..so ok nmn ang lahat hanggang manganak ako nung nov19

di po kasi magkakaparehas ang pag bubuntis. meron talaga maliit mag buntis meron naman sobra laki... ako sa una ko 7 mos n sya bago pa sya lumaki talaga... sa pangalawa ko 3 mos olang ang laki laki na... parang 5 mos na...kaya dony worry po.

Same experience. Dami bumabati sakin na malaki tyan ko. Di ko na lang pinapansin kasi sabi ng OB, tama lang naman daw laki. Pero nung lumabas c baby, 3.3 kg cya. May kalakihan at kahabaan cya. Namana sa side asawa ko na matatangkad.