Normal delivery or CS? Diabetic po ako at nag insulin na 8weeks pa lang baby

Sabi ng OB at diabetologist ko kaya ko daw normal delivery ngayon 2nd baby ko kc normal delivery din nman sa 1st baby ko, at normal lang din size nya. hindi daw pwede sa lying in sabi ni diabetologist dahil dapat monitor nya sugar ko habang nasa labor, Pero Suggest ni OB ay CS na para naka Schedule sa hospital, dahil sa Covid19 baka daw wala tumanggap agad n hospital kung biglaan pag admit. Ang hirap nman po mag pa CS kung feeling ko kaya ko naman inormal😢 34weeks and 2days pregy #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi! kung safety po niyo at ni Baby. advisable po talaga na CS. kakapanganak ko pa lang last November 6, cs din ako momsh kasi may gestational diabetis ako. Mahirap po talaga na biglaan na pa schedule ng panganganak sa panahon ngayon. Plus mo pa na pag tumaas ang sugar mo pwede ma risk si baby. Kaya kahit kaya ng Normal mas pinili ko magpa cs kahit mahirap at mas magastos.

Magbasa pa