CAS or Normal Ultrasound?
Sabi kasi ng OB need mag CAS (2k+) dahil sensitive mag buntis pero sabi ni Mother in law wag na dahil mahal at para makatipid dahil 500 yung ultrasound. medyo na stress ako di ko naman din gusto na magastos.#1stimemom #advicepls #pregnancy
Important po ang CAS or Congenital Anomaly Scan. Dito po makikita at maeexplain if may abnormalities po kay baby na maaring maagapan o mabigyan agad ng pansin kapag naipanganak na si baby. Medyo pricey po talaga pero ako kahit papano po nakahanap ako ng OB na sya rin ang nagCAS mura compare sa iba. If ever mamsh may mahanap ka na mura magpa CAS, magpaCAS ka po para mapanatag din po loob mo. Good luck po mamsh.
Magbasa paIf sensitive/high risk po ang pregnancy, sobrang advisable po tlga ng CAS. Mas detailed po yan sa regular na ultrasound lang. Jan makikita if may abnormalities kay baby. Pricey lang tlga sya pero malaking tulong to prevent futher complications kung meron man. Tsaka para maagapan if may need i treat.
Thanks mamsh. Thank God po normal lahat God bless po
Hanap ka nalang ng ibang clinic na nag o'offer din ng cas, mamsh. Pricey talaga ang cas kaso kung yun ang advise ni OB, much better na sundin mo. May mas mura pang cas dyan, yung sakin kasi nasa P1500 lang.