First sharing. #1sttimeMom

Hi sa po sa lahat ng mga bagong momshie dyan na katulad ko. Share lang ako kasi hindi ko alam san ako magshe-share umiiyak na talaga ako ngayon. Wala naman nangyayari kay baby, okay naman sya. Kaya lang ewan ngayon sobrang iyakin ko lalo na malayo ang asawa ko pakiramdam ko parang wala akong kakampi, walang naniniwala sa mga nararamdaman ko pag may gusto akong daingan. Dati naman hindi ganito kalungkot kahit 9 months di ko sya nakakasama. Ngayon kahit makanuod lang ako ng konti nakaka touch umiiyak talaga ako. Ganito ba talaga? O ang oa ko lang? Nakakainis pa mga nakakasama ko pag may nasabi akong hindi maganda pakiramdam ko akala nag iinarte ako kaya ang bilis ko mapikon. Kaya minsan gusto ko mag isa lang o kaya matulog. Kayo kamusta naman pagbubutis nyo po? Sana okay kayong lahat 💕 #1stimemom

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply