twins

sa mga twin momies there share naman po ng mga tips and techniques sa pag aalaga nyo kina babies lalo na sa mga nagpapa breastfeed. mejo nangangapa pa kami lalo na sa madaling araw sila gising at sabay nag iiiyak at dede at ayaw magpababa.

twins
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats! Same tayo mommy Twins din sa akin both boys via CS 2months na sila. Mix feeding sila kasi ako lng ng aalaga sa twins. 1month nila tapos nilang mag dede tulog ulit sila hindi ko sila kinakarga lge dahil ako lng din ang mahirapan kasi ako lng din ng aalaga sa kanila. Kaya mo yan mommy nag aadjust pa kasi medyo mahirap talaga.

Magbasa pa
5y ago

pumutok panubigan ko mommy kaya cs na agad ako ng ob ko. sakin 2.3 c boy 2 c girl. ngayon dko alam ano timbang nila kasi d pa kami nakapag follow up check up gawa ng covid nakakatakot lumabas

Congrats mommy! Magpump kana lang mommy then iref mo lang tapos ibote mo na lang sina baby. Dapat may warmer ka para sa dede. Nakakapuyat lang magpadede kasi tatayo pa kung magpapadede. Pero masasanay ka din mommy. Mommy din ako ng twins pero di kasi ako nakapagpabreastfeed.

Post reply image
5y ago

Cute! Tabaching pareho 💕

mahirap talaga sa unang 3 buwan yan kasi yung time na gising sila sa gabi pero magbabago din ang sleep pattern nila later on. my pedia recommended us nan optipro kasi maliit din yun twin ko nun naipanganak sila. breastmilk din sila pero tru bottle kasi ayaw maglatch at maliit nipples ko

5y ago

2 years 5 months old na sila ngayon

Hello momsh,ayan po cla nung una,ngayon mag 2months na po sila..mix feeding po ako. Nan Optipro Hw ang nirecommend saken ng pedia. Hindi po kc kaya kapag dalawa...pero tinatayaga ko pa din po ibreastfeed.

Post reply image
5y ago

Importante momsh healthy po sila...tataba din po yan sila😊 tuloy lang ang breastfeed momsh!

Congrats mommy! Ako din twins pinagbubuntis nakita sa ultrasound. May kani-kaniya silang bahay. Ask ko lang mommy magkasama ba sila o magkahiwalay ng bahay? I mean nung pinagbubuntis mo sila...

5y ago

Ay ganun mommy, thanks ha, pag na-lift na yung ECQ schedule ko na for ultrasound. I'm just hoping kasi na kya ko sila i-normal delivery since they have their own sac hehe. Bukod sa mahal ang CS takot din kasi ako hehe

Cutie! Kaya mo yan mommy! Wala akong masuggest kasi isa Lang baby ko eh. Hehehe. Saludo ako sa mga mommy ng kambal. Idk how can they handle all the sleepless nights.... You know.

Momsh, kung may breastmilk ka, magpump ka nalang tas ilagay mo sa freezer. Tas pag dedede na sila saka palang ilagay sa bote. Mag pumo ka ng mag pump. Mas okay po talaga pag breastmilk mom.

5y ago

Kung sana malapit kalang samin, kase balak ko ipamigay gatas ko na na pump. Baka kase masayang lang at di naman nagagamit ng baby ko dahil direct latch sya sakin.

Mommy ako po bago matulog nagpapump ako. 4-6 hours naman po yun bago mapanis. Para po incase na may magising may madedede agad. While yung isa sakin dumedede

VIP Member

Ang cute nman, dream baby ko Ang magkaroon NG twins pero di ako biniyayaan. Tig Isa Lang 😅 pero bless pa din😇 😊😊 I'm sure mahirap, pero Kaya mo Yan.🤟

Oh my....cute😍😍.....soon ako nmn....ganun din yung iniisip ko....pano ko kaya ibbreastfeed ang dalawa ng sabay...tpos kinakabahan pa ako kc cs...

5y ago

36 weeks na po....hinihintay nalang mg.37 pra pwede n i.cs...