MOMMIES
Sa mga Mommies na may problem sa mga LIP/Asawa na nananakit. Hanggat maaga mag isip-isip na kayo.


Mommies iwan na sila pag ganyan. Mahalaga ang buhay niyo lalo ng anak niyo. Pag nawala kayo or napatay kayo ng asawa or lip niyo ang mga anak ang kawawa. Mahirap kasi isiispin natin pano sila buhayin ng mag isa lang pero kahit nakakahiya lapit tayo sa pamilya, relatives at kaibigan natin. For sure hindi tayo pababayaan ni Lord at for sure meron at meron tutulong satin. Kapit lang kay Lord. Hindi po ako nakaranas nito and I pray na wag naman. Kaya mahalaga po na alam natin kung kailan dapat mag let go. Actually hindi naman natin malalaman agad na ganyan ang mapapangasawa natin eh pwedeng sa kalagitnaan ng pagsasama biglang maging ganyan. Dapat pillin natin na may takot sa Diyos at lagi natin ipagdasal mga asawa natin. Sorry napa haba. Yoko nakakakita ng mga sinasaktan naawa ako sa katulad kong nanay at lalo sa anak.
Magbasa pa

