Goodvibes. to all mommas out there.

Sa mga mashies na tabain. Wag kayong magalala sa weight ninyo, promise, pag labas ni baby mangangayayat kayo. 7 days of life ng baby ko 8lbs agad nabawas sakin simula sept and ngayon from 240lbs to 190 nalang ako, walang diet kasi nagbreastfeed pa ako. Pero konti nalang gatas ko and I don't want to stressed out myself dahil konti lang gatas ko, kahit na sinasabi nila na dapat breastfeeding si baby hanggang 2years old, e ano naman magagawa ko e yun lang kaya ng katawan ko, Ginawa ko na lahat,malunggay capsule,tea,sabaw,tubig etc. Name it! Natry ko na. Wala padin, siguro may mga mommy lang talaga na swerte pero ang importante sakin sa ngayon e kahit 3 buwan napadede ko siya kahit inverted nipple ko. Di ko alam pinaglalaban ko dito pero ishare ko nadin. Alam ko kasi yung feeling and sana makatulong sa mga mashies na nagwoworry sa body at breast milk nila. It's just a phase,kaya natin to, malalagpasan natin to.?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hahaha... parehas tayo mamsh,, wala rin akong kakayahan πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… ginawa ko na rin ang lahat... 2months ako nag try para mapa bf ko si baby ko noon... kaso, di pinalad πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… konti lng tlaga at naiinis na rin si baby ko kasi nagugutom sya... finormula fed ko tuloy πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ‘ΆπŸ»πŸΌ