Breastfeed vs Formula

Hi sa mga kapwa ko mommy, Hingi lang po ako advise Nanganak po ako netong Sept. 17 at CS po since mahina pa po katawan ko at wala din po ako gatas ng nasa hospital ako di po ako nakapagpaBreastfeed sa baby ko at nagformula milk po si baby, until na discharge ako sa hospital don po lumabas ung gatas sa dede ko. Kaya lang po ayaw nmn po dumede ng baby ko skn nagtry na po ako direct si baby sa dede at pump na isasalin sa bottle ayaw pa din po mas gusto nya ang formula, dahil ayaw po dumede ni baby skn tumutulo na lang po ung gatas gang sa nababasa na lang ung damit ko at sumasakit na lang ung dede ko. #1stimemom #firstbaby sinasabi po skn ng iba na pilitin ko po even my partner, I did my best nman po para ipilit ang breastfeed kay baby ko eh pero ayw nya po tlaga nakokonsensya po kasi ako na iformula si baby dahil gusto ko po masustansya ang gatas ni baby pero ung body ko suko na po dahil masakit lang po ung nararamdaman ko plus ung tahi ko din po sumasakit nanghihina po tlaga ako. Payo naman po mga moms ano dapat ko gawin.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala pong tatalo sa breastfeed. Part lang po siguro ng post partum kaya po medyo nawawalan po kayo ng gana mag breastfeed. Pwede naman po ang mixed (breast milk and formula) feeding kay baby. Mag breast pump po kayo kung hindi po makapag latch si baby sa inyo posible po kasi nasanay na siya sa nipple ng baby bottle isalin niyo na lang po doon

Magbasa pa