Lying inn/Clinic/Hospital

Sa mga 2nd mom jan na mejo mahina loob san mas ok sainyo? Grabe mahal sa hospital 40k-60k normal....pero complete naman gamit at asikaso pero nakakahinayang... Sa lying inn or clinic naman mura nga pero dapat may kasama kang lakas ng loob hehehe ... EDD march2023 naghahanda lang at nag iisip din pano makakasave kamusta mga March2023 din ang due?tara kwentuhan tayo #MaulanNaBedrest#March2023#

Lying inn/Clinic/Hospital
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1st time pa lang pero I think kahit 2nd time ko I'd still choose private hospital. mejo overthinker kasi ako, di ako mapapanatag pag hindi sa private hospital. di naman kailangang hospital ng yayamanin eh, basta private.. may mga private naman na di super mahal... pero definitely mahal syempre, may bayad talaga minsan ang peace of mind and yung convenience. and probably what's good with pregnancy eh may 9months tayo para mag-ipon. kung iniisip natin na kay baby nalang ang gagastusin sa hospital kaya di nalang maghospital... well, kung mahalaga si baby, mahalaga rin naman si mommy.. let us think of ourselves rin...

Magbasa pa
TapFluencer

that depends sa pregnancy mo at sa budget nyo, mi. ako kasi high risk since 1st baby kaya sa private hospital na ko talaga yung may high risk unit para super observed at kumpleto lahat ultimo pangbaby na apparatus, kaya nung una pa lang bagranong na kami estimated para maayos na namin...pwede naman po sa public hospital, halos walang babayaran kung may philhealth at normal delivery naman. Pagusapan nyo rin ni hubby mo.. kung tipid kang ok din sa lying in basta di maselan ang pagbubuntis mo, kayang ma-i-nornal...

Magbasa pa

birth plan ko is Lying inn since this is my 2nd pregnancy na din. First born ko is sa public hospital and sa totoo lang ayaw ko na maranasan yung hirap mag stay sa Ward hehe bawi naman sa gastos kasi 1800 labg binayaran naming bill (Normal del) ngayon mas magandang choice sakin lying inn kasi mas maaasikaso and mas ok yung post natal nila. Wala kame balak mag private hosp hehe Mahal kasi pero sa pre natal check up ko bawi naman sa alaga kaya alam kong okey ang magiging del ko by March ☺️😌

Magbasa pa

3rd baby ko na ngaun, ung 1st ko sa public hospital and sobrang nkaka trauma manganak sa public hospital though mura ang bayad but still ayoko na maulit dun, 2nd baby ko is private sa st. lukes bgc kung my pera lng ulit ngaun gusto ko padin dun kaso mahal kc talaga, so itong pinag bubuntis ko ngaun we decided na private hospital but not as expensive as st. lukes. kya sa Fatima antipolo lng.. hopefully normal padin para hindi mapamahal ang bayad.

Magbasa pa

2nd pregnancy na po namin ito. We decided ni hubby na sa private hospital pdin ako manganak. Oo mahal pero sbi nga ni hubby ang priority po nmin is healthy at safety kami mag ina. kaya tlagang nagsisikap at nagiipon po kami para sa needs ng aming mga anak.

3y ago

nice... yan din iniisip ko safety first kaso minsan talaga napapaisip din ako kesa hospital makinabang si baby nalang hahaha... may 5months pa naman para mag isip hehehe Goodluck momsh saten safe delivery sana sa lahat🥰

Private hospital ako sa 1st born ko mahal sya oo pero yung safety namin mag-ina ang iniisip din talaga. Ngayon is Public hospital ang plan ko, panatag naman ako since nurse din kapatid ko sa hospital na yun hehehe same EDD March 2023 din..

2nd pregnancy din ... I decided na sa private hospital parin, dumoble na yung price na, unlike before sa 1st. pero kasi at ease na ako and comfortable at alam kong maalagaan kami. need lang talaga magready ng budget.

2nd baby and balak namin sa lying in lang kasi magbibirthday din panganay ko sa month na manganganak ako 😁 pero syempre manganganak muna ako before namin i celebrate ang bday kasi mas importante yun ❤️

lying-in since may 1st and 2nd baby and my 3rd lying-in pa din okay naman sa lying-inn kahit goverment ang hawak asikaso ka talaga.

Team march din po here 😍😍 Hopefully maging normal delivery ko 😍 1st time mom din po any tips?