Need ANSWERS

Hi sa kapwa ko 32 weeks preggy 💖 Ano na nararamdaman niyo? Di ako maselan from the start pero ngayong 7months nako grabe yung singit ko hirap maglakad na at bumangon sa higaan. Ganun din ba kayo? Wala namang discharge.

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

32 weeks here pero hnd na gaano kasakit sa may singit at hita,sinsabayan ko ng squat sa morning. 😂 im not sure dahil ba sa squat yon. Mas madalas akong antukin at bumalik yong normal ko na tulog unlike before inaabot ng madaling araw. Yong pang amoy ko parang bumalik sa paglilihi at ang bilis ko magutom pag may naamoy na pagkain. 😂😅

Magbasa pa

Yes nagstart na maexperience ko Yan around 32 weeks, di Lang singit pati pubic and anal area parang mga nakaluwa. I'm now at 36 weeks na pabigat na Ng pabigat at mayat maya na ang tigas. Kunting lakad hapung hapo na pero carry lang. Kasama sa pagbubuntis. Praying na sana malampasan na nten to 😂😂 pero ako kasi ineenjoy ko narin.

Magbasa pa
4y ago

By Tomorrow every week na check up ko e. Pinupush q nman maglakad lakad kahit masakit sa balakang, mga 10-15 mins Ang nilalakad ko every morning, plus active ako sa gawaing bahay. Ako prin lahat mahirap pag higa higa Lang baka nman mahirapan manganak

Ganyan ako sa 3rd baby ko mamsh. Madalas nga naiiyak na ako kasi kahit magpalit ng pwesto sa pagtulog di ko magawa kasi di ko maingat isang legs ko dahil sa sakit ng singit ko 😢 hanggang sa makapnganak ako ganun pa rin tapos nung lumipas na ilang buwan naging okay na ulit ung masakit sa may singit.

4y ago

Nagpacheckup ka nun sis nung nafeel mo yun?

31 weeks na po ako napakabigat ng feeling. Di nga ako nagkakanin hirap din sa pagtulog. Paglipat kanan kaliwa masakit bakit ganon kung kelan tinaasan ko MG ng calcium ko dun pa ako nanakit likuran. Saging na nga maghapon dun pa pinupulikat madalas 😩

Same here momshi, hirap na bumangon, pag iihi sa arinola nalang mejo nakatayo kasi di mkalabas ng dretso ihi KO makirot nadin singit at pempem😢 Ganun din sa pag tulog madalas puyat kahit hnd natutulog ng tanghale😢

At 35 weeks, hirap lg ako sa paghiga .. tas nakukulang na din minsan sa tulog kasi malikot na si baby . panay din bangon kasi ihi ng ihi .. pero sa pglakad, di pa ko hirap . sabi nila maliit lg daw kasi tummy ko 😂

Yes, napapadalas na ang sakit sa singit, sa hita, sa legs. Minsan magswitch ka lang ng position ng higa sobrang hirap and sakit na. Ang sakit din sa balakang pag tatayo.

I feel you. Momshy. Ang hirap bumangon but it's normal dahil lumalaki si baby kaya bumibigat din tyan natin. Tas yung lakad natin parang penguin hahahahaha!

I feel you. Momshy. Ang hirap bumangon but it's normal dahil lumalaki si baby kaya bumibigat din tyan natin. Tas yung lakad natin parang penguin hahahahaha!

VIP Member

Ganyan din ako nung 30-32 weeks pa lang ako. Pero ngayun ok na hindi na masakit sa singit pero hirap narin talaga bumangon dahil malaki na tiyan.

4y ago

Nagpacheck up kaba sis nung naramdaman mo yung masakit na singit?