Masakit na likod 35weeks
Running 35weeks plng pero panay na tigas ng tyan ko tpos panay dn sakit ng likod ko na parang kumikirot, minsan sumasabay sa sakit ng bndang tyan. Ano po kaya ibig sabihin nun? Normal kaya un? ๐ข

Normal lang po and possible braxton hick lang din. Hindi ko din madetermine before kung ano ang braxton hicks vs real contractions. Ang explanation ng OB ko sa akin, braxton hicks if gumalaw si baby then may paninigas ng tiyan after. Mabilis lang daw naglalast yun and irregular intervals. Real contractions kapag, naninigas tiyan mo kahit di gumagalaw si baby at tumatagal ito ng 20-30 seconds at mabilis ang interval. Pag naka-apat ka within an hour tapos regular ang pattern, tapos kasabay ng period-like pain/cramps ay real contractions. Need mo i-inform si OB pag ganito. Meron din cases mommy na matigas lang talaga yun tiyan kasi puro bata. Yun sa akin po nagpacheck ako if may real contractions ako kasi ang tigas talaga ng tiyan ko di nawawala pero wala akong pain na naeexperience. Mataas din pain tolerance ko kaya to make sure pina-NST ako and wala naman ako contractions at mukhang maumbok lang talaga si baby ๐ For peace of mind, always maintain communication with your OB din. Hope this helps!
Magbasa pa

