White clothes for baby

Hello required po ba talaga na kapag baby eh lageng white clothes ang pinapasuot? Ang mil ko kase mas gusto nya puros puti ipasuot ko kay baby eh mas maganda daw tingnan pag puti. Eh ako naman kahit anong kulay ng damit ipinapasuot ko sa baby ko. 3 months na po baby ko.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tau mi ung nanay ng partner ko gnyn dn bwal dw may kulay suotin puti lng tlga Dpt hanggng mag 1yr old,pra dw maging maapeal grbe nmn pamahiin yan Kaya nung umuwi kmi sa bahay ng parents pinasuot ko n ng mga may kulay lo ko keber sa mga side comments nya😂 kesyo dw ang itim,ano mggwa ko kung maitim nmn tlga Kami dmi png lalait snsbi,pati pag suot ng mittens gsto hanggng 6mos,Kaya buti nlng nkauwi n Kami ksi nggwa ko n gsto ko sa lo ko nkkpgud dn maging sunod sunuran sa mga lumang tao😂

Magbasa pa

puro white din binili ko kay baby before kaso habang tumatagal parang boring tingnan sabi ng mom ko mukha daw naka uniform 😅 ayun bumili din ako ibang kulay yung pink and organic ng tiny tummies tapos plain light color like pink or light green ganon. mahalaga din yung walang prints pag newborn para madali naten makita kung may langgam o anu pang gumagapang sa clothes nila.

Magbasa pa

to answer your question kung required ba, hindi naman haha pero tama yung mga sagot dito na para madaling makita ang dumi at insekto kaya mas prefered ang white. also, baby mo po iyan so ikaw pa rin magdedecide hehe tsaka 3 mos na si baby mo, usually yung mga plain na damit pang newborn lang 😄

TapFluencer

mas mamaganda po all white po mi.. dito kayo bili s lazada ang dami pg pipilian.. I found this great deal on Lazada! Check it out! Hurry up! Great deals from Lazada! https://s.lazada.com.ph/s.hFax6?cc

Magbasa pa

Anak ko wala pang 1Month pinag suot ko na ng may kulay haha sabi Ng Mama ko nung umiyak dapat daw kasi puti lang muna suotin sabi ko bakit ba? wala maisagot basta daw! Edi diko sinunod 😅

ung pinaka purpose is para makita po agad pag may dumi or insect kaya mas prefer na white

Sakin momsh ang binili kong kulay mga bright colors like yellow,light blue etc. dipende po sayo,para sakin kase mganda din pag may nakikitang colors si baby para madevelop eyes niya.

VIP Member

Di naman required. Mas madali lang makita if may dumi or insect. Ako yung mga sinuot ni baby sa hospital blue. Plain lang din para madali pa din makita if may insect.

Puro white nung newborn ang baby ko, easy to spot dirt and insects. Tapos 1 month onwards may kulay na pero light colors lang po...for the same purpose.

Kaya puti kasi para makita agad ung mga insekto o dumi. White color or lighter color mas mababa kasi na mag penetrate ung init compared sa dark colors