PARTNER NA INSENSITIVE AT WALANG EMOTIONAL INTELLIGENCE

We're living together for 6 years, not married. May 6 years old son. About kasal, ako ang laging nag oopen up, ako ang mas nagpupush na makasal kami, pero yung lip ko ay never nag open about dun. I don't know, siguro hindi pa siya sigurado sakin? Or may hinahanap pa sya na iba, or ayaw niya lang ako maging asawa. I don't know, tinigil ko nang magtanong or magsabi kasi napagod nalang din ako. Besides, kung gusto, may paraan, kung ayaw madaming dahilan.. Inaccept ko nalang na siguro yun yung reasons kung bakit hindi niya pa ko pinapakasalan kahit mag 7 years na kaming in a relationship. Walang emotional intelligence yung lip ko, bagay na sobrang nakakadrain para sa akin kasi lumaki akong emotional na tao, sensitive, since dumaan ako sa depression, and meron akong anxiety and panic disorder na hanggang ngayon ay nandito pa din. Hindi sweet yung partner ko, love language niya is "act of service" lang, the rest, wala na. Walang I love you, walang sweet words, kiss lang kapag aalis na para pumasok, yung kiss na yun eh parang dampi lang ng labi, kasi walang tunog 🤣 Yayakap at kikiss lang siya sakin kapag gusto niyang mag *thing* yun lang, then after nun ay wala na ulit. Hindi ko alam, pero nafefeel ko na parang wala na akong spark sakanya, bihira kami magtabi matulog, (kapag mag *thing* lang) madalas nasa gitna yung anak namin. Madalas ko na din siyang tanggihan kasi pagod na yung katawan ko (I'm a working mom) tsaka tamad talaga ako, plus pa yung reason na, iniisip ko na parang malambing lang siya sakin kapag kailangan niya ko. Wala naman third or party or ano, parang sa sitwasyon lang namin, lumalayo na yung loob ko sakanya. Yung emotional support na kailangan ko ay hindi ko nakukuha sakanya, kapag nag open up naman ako ay iniinvalidate niya. Drain na ko. Totoo pala no, yung mahal mo siya pero minsan maiisip mo nalan na parang nawawalan ka ng gana sakanya dahil sa mga pinapakita niya sayo. Ayaw ko naman din siyang iwan, kasi nga mahal ko, tsaka yung anak namin. Kaso para nalang kaming boardmates at ako, parausan niya(?) Nakakatamad at nakakawalang gana.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

instead of alukin sya ng kasal try mong makipaghiwalay na lang. At baka dun nya marealize mga pagkukulang nya