PARTNER NA INSENSITIVE AT WALANG EMOTIONAL INTELLIGENCE

We're living together for 6 years, not married. May 6 years old son. About kasal, ako ang laging nag oopen up, ako ang mas nagpupush na makasal kami, pero yung lip ko ay never nag open about dun. I don't know, siguro hindi pa siya sigurado sakin? Or may hinahanap pa sya na iba, or ayaw niya lang ako maging asawa. I don't know, tinigil ko nang magtanong or magsabi kasi napagod nalang din ako. Besides, kung gusto, may paraan, kung ayaw madaming dahilan.. Inaccept ko nalang na siguro yun yung reasons kung bakit hindi niya pa ko pinapakasalan kahit mag 7 years na kaming in a relationship. Walang emotional intelligence yung lip ko, bagay na sobrang nakakadrain para sa akin kasi lumaki akong emotional na tao, sensitive, since dumaan ako sa depression, and meron akong anxiety and panic disorder na hanggang ngayon ay nandito pa din. Hindi sweet yung partner ko, love language niya is "act of service" lang, the rest, wala na. Walang I love you, walang sweet words, kiss lang kapag aalis na para pumasok, yung kiss na yun eh parang dampi lang ng labi, kasi walang tunog 🤣 Yayakap at kikiss lang siya sakin kapag gusto niyang mag *thing* yun lang, then after nun ay wala na ulit. Hindi ko alam, pero nafefeel ko na parang wala na akong spark sakanya, bihira kami magtabi matulog, (kapag mag *thing* lang) madalas nasa gitna yung anak namin. Madalas ko na din siyang tanggihan kasi pagod na yung katawan ko (I'm a working mom) tsaka tamad talaga ako, plus pa yung reason na, iniisip ko na parang malambing lang siya sakin kapag kailangan niya ko. Wala naman third or party or ano, parang sa sitwasyon lang namin, lumalayo na yung loob ko sakanya. Yung emotional support na kailangan ko ay hindi ko nakukuha sakanya, kapag nag open up naman ako ay iniinvalidate niya. Drain na ko. Totoo pala no, yung mahal mo siya pero minsan maiisip mo nalan na parang nawawalan ka ng gana sakanya dahil sa mga pinapakita niya sayo. Ayaw ko naman din siyang iwan, kasi nga mahal ko, tsaka yung anak namin. Kaso para nalang kaming boardmates at ako, parausan niya(?) Nakakatamad at nakakawalang gana.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mi. itong advise ko nagwork sa akin, pero hindi ko alam kung magwowork din sayo or kakayanin mo. Ask yourself kung kakayanin mo ba kung hindi umayon sayo ang sitwasyon. halos same kasi tayo ng sitwasyon before. My husband also was go-with-the-flow type. (2022) 10years kaming magbf gf nung nainip ako na alukin ako ng kasal kaya kinausap ko siya. sabi ko kung wala ka pala plano na pakasalan ako, tama na yung 10yrs. Gusto ko na magsettle down, ngayon kung di ka pa ready, e baka hindi tayo para sa isa't isa. Hindi siya pumayag maghiwalay kami, sabi nya hindi pa sya financially ready kaya di pa sya makapagpropose pero gusto na niya. So, sige pinagbigyan ko. binigyan ko ng time para sa self growth nya. nung nagkawork siya, 2023 nagpropose siya. then 2024 kinasal kami. After the wedding, doon ko nakita na wala din syang emotional intelligence. well noong, di magjowa kami di rin sya yung ideal bf na sweet at nagpapakilig. Act of service din love language nya while words of affirmation and physical touch ako. kaya minsan feeling ko di nya ko mahal. So, inopen ko ulit. Ayun, nag adjust kami pareho. Nageextra effort sya para mafill yung love language ko. And masaya naman kami ngayon with our 5mos old baby. ang haba, pero ang bottom line nito, bigyan mo ng ultimatum LIP mo mi. Talk. Open up. Tell him what you feel kasi hindi sila manghuhula. Totoong masarap sa pakiramdam na kusa nyang gagawin yung mga bagay na yan kaso paano kung hindi rin nila alam kung paano? lahat maaayos sa heart to heart talk. I hope it helps. 🫰🏻😁

Magbasa pa
22h ago

tama