#QOTD Tuesday: Kung bibigyan ka ng chance na palitan ang pangalan mo, ano ang ipapalit mo?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Kung bibigyan ka ng chance na palitan ang pangalan mo, ano ang ipapalit mo?
202 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung bata pa kaming magkakapatid, lagi kong tanong sa isip ko kung bakit ang simple ng pangalan ko samantalang yung sa panganay namin pinaghalo-halong name ng book characters at sa bunso mga names ng saints. sabi ng nanay ko tatay ko raw nagpangalan sa akin. minsan napaisip ako baka babae ng tatay ko ung pinagkunan niya πŸ˜… nagka-anak nalang ako at pumirma ng mga public documents natutong pasalamatan ang mga magulang ko sa simpleng name kasi di mahirap isulat at ipirma. sa internet usernames nalang ako bumabawi sa magandang name. Eudaemonia yung gusto kong ipalit nung college ako, walang exact translation sa english from greek pero pinakamalapit ang happiness/contentment. naniniwala kasi akong happiness is a choice at gusto kong magstrive para maging masaya sa buhay. ganern.

Magbasa pa