230 Replies
Diaper palang umaabot na ng 1k. Hmm siguro umaabot ng 3-5k per month. Buti nalang breastfeeding mom here kaya di ko problema gatas ni baby. Ito yung nagpatwist sa life ko na dati nabibili ko mga gusto ko pero now, iba na priority. Baby's thing first before anything else.
Sa ngayon mababa palang nagagastos namin, yung needs ko para sa baby such as vitamins, milk and other na kailangan ay umaabot lang siguro mga 1500 kada buwan, dito kase kami nakatira sa parents ng asawa ko kaya sa pagkain libre kami pati na rin sa kuryente at ilaw.
lahat lahat pati pagkaun araw araw. nasa 15k para sa member of the family. wala pa mga bills dyan. Sosko, hirap magbudget pagkulang. kung pwede lang gawin ang gabi na araw trabaho lang ng trabaho para maprovide maayos na pamumuhay ng pamilya lalo na ng mga Anak.
5k monthly po kasama na diaper ni Kuya Eitan saka milk bear brand Lang milk nya .. Pero next month Hindi ko na alam if mag Kano madadag Kasi kabuwanan ko SA next baby namin another gastos Naman .. Pero Okey Lang another blessings naman binigay SA Amin ni lord
Naku hirap ng quiz na ito. Lalo na kapag hindi mo alam ang sagot. I think Im calling a friendcto help me out. Si hubby. Siya po may alam ng grocery and all the expenses na meron kami. *edit ko nalang to pag nahanap ko yung receipts. 😉
Depende din sa monthly salary ni mister lalo na hindi fixed ngaun dahil sa pandemya. 1k to 1,500 ang nakalaan na budget para sa montly grocery. Kailangan mag tipid ngaun lalo na walang gaano pasok ang mister ko dahil sa MECQ pa ang NCR.
usually malalaking items ang binibili ko para mas makakatipid ako in the long run..and kung may mga package na may kasamang free ginagrab ko din 😬 pinakamataas na bill ko so far is 7k pero inaabot ung stocks ng more than one month
pang diaper lng at wipes ni baby, tpos vitamins..1500 na, 700 essentials na nmn ni asawa sabon, shampoo, baby laundry detergent ..2500 okay na. pero hirap din mkahnp ng gnyang halaga ngyn, parehas kmi ng aswa ko nwalan ng work..
sa ngayon wala pa si baby sa December pa kasi sya lalabas so foods, laundry soaps, for hygiene mga sabon kasama na alcohol saka paunti unting gamit ni baby aabot ng 3-4k/monthly kasi malakas ako lalo na sa foods at maternal milk
yung budget po namin. is 2k per month lalo na na nakikitira kami sa mga magulang namin, kasi hirap po mag budget sa panahon ngayon lalo na at may pandemya, sa 2k budget na yun kumpleto na ang pangangailangan ng mga anak ko