Okay lang ba sa'yong maging full-time housewife?

1518 responses

for me kung magging housewife ako at sa sarili kong bahay okay lang pero kung housewife ako while living with my in laws definitely hindi ko kaya.... ksi sobrang nakakailang gumalaw lalo na hindi ko nman bahay at baka ano pang masabi
Para sakin okay lang nmn maging full-time housewife. Why? Kasi mas masusubaybayan ko ang mga kids and dagdag gastos padin kasi kapag kumuha pa ng kasama sa bahay diba. Tska para din malayo loob ng mga kids sa parents nila.
ok lang naman maging full-time house wife para tutok sa pag-aalaga at pag-aasikaso kay baby at kay hubby, kaso sa panahon ngayon medyo mahirap kailangan parehas mag work para mas maibigay yung pangangailangan ni baby.
hindi po. kasi sa mga nagtataasang presyo ng mga bilihin ngayon at gastusin sa ibang pangangailangan hindi po sasapat ang isa lang sa inyo mag asawa ang naghahanap buhay lalo na't saktuhan lang ang iyong kinikita.
Ngayon full time housewife ako simula nung magbuntis ako sa 1st child. Sa una nalulungkot ako dahil sanay ako may work & sariling pera. Pero ngayon narealize ko na mas maganda matutukan ko paglaki mg mga kids ko
depende sa sitwasyon. kung need magtulong kaming dalawa ni hubby mag trabaho then go pwede din na mag full time housewife habang may small business mahalaga maasikaso si baby and hubby at hnd ma-zero balance
for now, yes okay lang sakin. 1 year and 3 months pa lang si baby. minsan lang sya maging bata at baka hindi na rin kami magkaron ng isa pang baby dahil may pcos ako kaya gusto ko sya matutukan sa ngayon.
okay lang naman maging fulltime housewife maka sama mo pa ang anak mo palagi at maghintay sa asawa kapag umuwi galing sa trabaho at may online business po ako kaya ok lang po na nasa bahay lang ako....
ok lang po, as long na natutugunan ni mister lahat ng pangangaylangan ng pamilya.. sabi ko nga sa kanya, wag sya mahihiyang magsabi kung kaylangan nya ng tulong ko, willing akong magtrabaho. 😊😊
yes po, para masundan mo talaga Ang paglaki Ng mga Bata and maalagaan sila Ng maayos pti ang asawa..iba Kasi kapag Ang nanay tlga mismo Ang magpalaki, mag alaga at asikaso sa kanila❤️❤️❤️