Okay lang ba sa'yong maging full-time housewife?

1518 responses

Okay yun para sakin. Bukod sa matututukan ko si baby hanggang paglaki, maalagaan ko din si mister ng maayos. Yung pera kase anytime pwede ma gain pero yung memories with them, mas mahalaga. Lucky lang ako na responsable si mister. May tiwala ako sa kanya na magiging good provider sya. :)
For me depende sa sitwasyon. Mas maganda kung full time mom kasi mas matututukan mo ang paglaki ni baby on the other side naman hindi ko kaya kasi baka hindi kayanin ni mister ung pantustos sa pang araw araw. Baka kulangin sa budget. Kaya depende sa sitwasyon. 😃😃😃
depende yan,kung may kakayanan ang asawa mo o partner mo na mag provide sa pamilya,why not naman maging full time housewife diba?pero kung hindi kaya ni mister,walang choice kundi magwork din..Kaya maswerte ung mga nanay na may mag aalaga sa mga anak nila pag nasa work,
ok lang nmn sa ngaun. kahit full time house wife ako now ang ginagawa ko nlng e ngtitinda habang nsa bahay. message lng nila ako o kaha puntahan dito s bahay kung bibili sila. ang maganda pa s pagiging full time house wife e naaaalagaan ko ang mga bata.
ok lang naman sana as long as stable ang income ng family. kung maganda ang trabaho ni mister. ☺️ pabor yun kasi magkakaron ng plenty of time with the kids at masusubaybayan talaga ang kanilang paglaki. maaasikaso din ang bahay at pamilya ☺️
ok lng sakin kz once na naging wife or ina ka na,dpat alam mo ang mga obligasyon mo,yan ay kasama sa realidad na tinanggap mo nung nagpasya kang mag asawa,msrap maging ina,lalo na kung naggampanan at naaalagaan mo ang pamilya mo🙂❤️
okay lng po sakin,para May time narin pong alagaan si baby, at syempre pag umuwi na SI hubby meron nang pagkain sa hapag kainan nmin Kasi marunong nman akong magluto eh kahit ano at para mabawas,bawasan na Rin Ang pagod nang aking asawa..
Okay lang with me as long as my husband is a good provider to the family at di kami nahihirapan sa lahat ng gastusin. Mas makakapag focus ako sa pagpapalaki sa anak namin, sa mga household chores at syempre sa pag asikaso din kay husband.
Okay lang sana para matutulan rin ang baby kaso gusto ko rin magkaroon ng sariling money para hindi nakakahiya sa asawa ko at may naccontribute rin ako para sa family namin. Nakakatulong sa groceries, and sa iba pang gastusin at services
for me kung magging housewife ako at sa sarili kong bahay okay lang pero kung housewife ako while living with my in laws definitely hindi ko kaya.... ksi sobrang nakakailang gumalaw lalo na hindi ko nman bahay at baka ano pang masabi