Planado ba si baby?
2282 responses
yes! pinaghandaan at pinagpray po talaga Namin Siya.. we asked God's blessings na Sana pagkalooban na Niya kami Ng baby..☺️☺️😇😇 at tinugon Naman ng Lord Ang prayers namin. at ito na po now, 33weeks pregnant na po sa aming first baby na boy☺️☺️
Hindi po wala sya sa plano because this pandemic natatakot aq but nabuo sya now im 3 trimester na and im happy because binigay sa amin ni God ito tatanggapin namin ng boung buo be safe all momy's out there and be thank full always what we have now Godbless us All.
Yes, kasi sabi ko sa husband ko na gusto ko nang magkapamilya. gusto kong maranasan yung mapapawi yung lahat ng pagod ko buong araw kapag nakita ko yung baby ko. sasalubungin ka, ikikiss ka, ihuhug ka. super duper sarap sa pakiramdam. walang katumbas na kasiyahan
yes po... since we're planning to get married nasa goal na po nmin kaagad pra mka buo and we glad after our marriages and the next month I missed my monthly period. super blessed po tlga kmi dahil sa age kong 37 we didn't worry about it. 1ST baby po nmin.
Honestly wala na talaga sa plano magkababy lalo na mga dalaga na ang mga anak namin. We already have 19, 18 and 13 years old young ladies. And now, yung dating tres marias namin magiging quatro kantos na😊. Excited na makita c baby bunso in a few weeks..
Hindi po, but we both want na rin po na magkababy. And I didn't expect po kase 6months na po namen nalaman na I'm pregnant. Medyo long story po. The most important thing is planned or not we both happy and grateful para sa darating naming baby 😊🥰
yes naman turning 6 n panganay namin and akala ko d n kmi mabibigyan p ulit ng baby dahil s my PCOS aq..monthly umiiyak aq pg ngkakaron aq kc frustrated n q n msundan ..but now..mhirap man pero finally..mlapit n xa lumabas..im 33weeks and 3days..
No, Kasi dahil sa CoVid pandemic tatakot sa virus pra sa amin ni baby, at dahil blessings siya sa amin nag double ingat na lng kmi pra di kami magkasakit ni baby. super thankful ako dahil healthy si baby at pinapasaya nya kami plge.. 😍💪🥰
YES. yung first baby ko planado sya kasi gusto na talaga namin magka baby noon. then yung second baby medyo unexpected kasi biruan lang namin yun then after 1 month charaaaan manganganak na ulit ako. blessed with 1 girl and 1 coming baby boy🥰
honestly Hindi, we're planning to have our 3rd baby after 5years pa kaso excited c baby😁 thankful Kay God🙏🙏 Kasi healthy sya at walang problema SA physical features nya kahit nakainom aq nang pills Habang NASA tummy ko na Pala sya😊