June 2 - Question of the Day

Planado ba si baby? Answer our #QOTD and get a chance to win a P100 Shopee GC💰! 👉 JUST FOLLOW THESE STEPS 👈 👶 STEP 1️: Vote on this poll (https://community.theasianparent.com/q/qotd-june2/3352237 ). 👶 STEP 2: Comment your answer on this post. That’s it. Hindi kailangan ng sobrang daming comment. Just 1 POLL VOTE and 1 COMMENT here. Oks na yun! Just be sure to do both. You may answer until 11:59 PM of June 2, 2021. We’ll announce the winner tomorrow, kasabay ng bagong #QOTD. Ayos ba? 🌟🌟🌟 Our winner for #QOTD on June 1 is: Sabel Gabriel Congratulations! Mommy Sabel, please e-mail your name and contact details to [email protected] (subject: QOTD - June 1). Sa past winners, please don’t forget to send me an e-mail.

June 2 - Question of the Day
768 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Samin hindi po. Actually we broke up because of the stressed caused us by quarantine last year. Nakipagkalas siya kasi pakiramdam niya nasasaktan niya nako dahil nawawalan siya ng gana makausap ako mula nung natigil sa pag operate trabaho niya ng isang buwan. Ginugol niya ang buong araw niya sa paglalaro at walang ganang makipag usap sakin. Alam kong dahil yun sa stress siya sa nangyari sa kanya. Ako naman dahil sa pharmaceutical nagtratrabaho, tuloy ang trabaho. nabawasan lang ng 2 araw every week pero stress ako dahil di pako makapagresign sa work ko (very toxic ang amo ko, kung di pako aalis baka mamamatay ako sa sama ng loob at sakit sa puso) dahil mahihirapan akong makabyahe at maghanap ng trabaho gawa nga ng lockdown at pandemic. After a month, nagkita kami dahil pumunta ako sa bahay nila. ininvite kasi ako ng mama niya sa wedding anniversary nila ng papa niya. Then ayun may nangyari sa amin sa kwarto nila mismo. Namiss namin ang isa't isa kahit di na kami. Akala ko di ako mabubuntis nun kasi dapat within that week eh daratnan nako. nagtaka nalang ako after 2 weeks, inaantok nako lagi taz nahihilo sa byahe to the point na nasusuka nako, after another week nakakaramdam ako ng mabilis mapagod. Nasuka na din ako after kong kumain ng umagahan that time galing din sa byahe. Napansin ko ding umiitim at namamaga ang nipples ko kaya sinabi ko na sa kanyang balak kong magPT kasi baka buntis ako. at ayun, di man namin ineexpect at di man namin kagustuhan, may nabuo. I believe my baby was given to us to fix our relationship na masasayang kasi mahal pa talaga namin ang isa't isa. also, naging courage ko din ang baby ko na umalis sa trabaho dahil ayokong mastress at baka mawala pa baby ko. eto 2 months old na baby namin. girl version nga niya baby namin. Live in na kmi ngayon. nagkabalikan kami officially nung 2 months old na tyan ko at nagkita kmi to talk things and plan our future. ayun. ngayon happy na kmi. He's very responsible father and partner to me kahit pa naman nung wala pa yung baby namin, sobrang responsableng bf na niya sakin. trumimple lang nung nabuntis ako at nagkaanak na nga kami 😊. Btw may anak pala ako 7 years old na nung nakilala niya ako, at siya naman, NGSB pero tinanggap niya ako at dinaig pa ang mga marami nang naging jowa at experience sa pag ganap ng pagiging tatay at asawa saming anak niya at sa una kong anak. 😊🥰 I'm so lucky. 🥰

Magbasa pa

sa edad kong 30 ngyon ,GODS PLAN ... God gave for everything for me❤️ my karelasyon po ako dati 9 years hindi nabibiyaan ng baby kahit live in na ... pero hindi talaga kame pinagtagpo ng tadhana / talagang hindi kame para sa isat isa , niloko pa ako ng matagal ng panahon habng nasa ibng bansa ako .. nakilala ko tong asawa ko lastyear june 12 2020.. wala pang isang buwan pinakasalan ako agad agad mayors weddings not bongga pero happy po .. 😁 pero Gods plan ..yun pinagdasal ko talaga bago ako step forward !! maiksing panhon nakilala ko siya ung 9 years kong ex .. sa asawa ko nakita lahat ng katangian na hinahanap ko sa pag uugali hanggang sa matamis na pagmmhal at pag aalaga we married my husband 2020 by july.. then naghihintay talaga ako ng hk noon pablik kaso GCQ kasi noon kaya agad ako pinakasalan ng asawa ko ... then birth month nmin mag asawa ay september DUN NABUO SI BABY ... ayun!! then dumating n yung flight details ko na pabalik noon by october dun ko rin nalaman na BUNTIS NA AKO❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ OVERWHELMED AKO.. SAYA NG PAKIRAMDAM AS IN❤️❤️❤️ TALAGANG HINDI AKO PINAALIS NG LORD MY MAS HIGIT PANG BLESSINGS DARATING SAYO NEVER MONG PAG SISIHAN ...❤️ NGYON MALAPIT NA PO AKO MANGANAK SCHEDULE KO PO NGYONG JUNE 5 2021 VIA C- S ... THIS SATURDAY . ❤️ SA ISANG TAON NAKASAMA KO ASAWA KO ... WALANG PAGSISI .. SUPER HAPPY NEVER SYA NAGBAGO... TALAGANG SIMULA SA PAG BUNTIS KO .. TALAGANG TODO ALAGA SAAKIN ... ❤️❤️❤️ MGA MOMSHYYYYY!!! KAPIT LANG KAY LORD GOD IS GOOD ..

Magbasa pa
VIP Member

I already have two unplanned babies. Hahaha! Masyado po kaming tiwala sa withdrawal until dumating yung turning point sa buhay namin. Nagkaroon kami ng mahabang pahinga after ng mga stressful works. Hindi namin ineexpect na mabibigyan kami ng bonus after ng kaunting pahinga na yun 😂 Kabado at first kasi pareho kaming panganay ni hubby at isa kami sa tumutulong financially. But the first time we heard our baby's heartbeat, nawala lahat ng agam-agam namin. Nawala lahat ng takot pero mas tumindi ang pagmamahal namin sa baby kahit di pa namin siya nasisilayan. Hindi man kami naging handa sa pagdating niya, pinaghandaan naman namin ang paglabas niya. He deserves everything afterall :) Hindi kami nadala sa pagiging unplanned ni baby no. 1 kaya ayun nasundan ni baby no. 2. Now I can say, nadala na kami. Family planning will do 😂

Magbasa pa

yes po planado po sya kahit alam po nmin na mahihirapan kami and first baby nmin sya :) ,iba kc kapag may baby masarap kahit mahirap lahat ng pagud mo mawawala lalo na kapag nakikita mo syang ngumingiti :) ., kakapanganak ko lng actually 4 months n baby ko im 23 and my hubby is 22 first time nmin and subrang hirap but expected nnmn un .., nung nagpaplano plng kaming gumawa and may sapat na ipon nmn kmi para sa panganganak ko para d kmi maka istorbo sa magulang nmin ., work ko po dati sa convenient store while my hubby is a farmer both nag iipon kmi para sa future and para kay Baby :) .. and now Happy kami kahit parehas kaming walang alam sa pag aalaga ng Baby wala kc kming katulong kami lng tlgang dalawa but thankful ako sa #TheAsianParent kc subrang laki ng tulong saming magasawa :) para maalagan ng maayos c baby :)

Magbasa pa

YES, kinda? Kasi Last May 2020 i had a miscarriage. After my raspa many of my close friends advised me to try again with my partner because malinis pa daw ang matres ko so baka sureball makakabuo na kami this time ng maayos kasi yung miscarriage ko is BLIGHTED OVUM ako. So i Think "halos everyday" talaga kami ni partner cause we badly want to have a baby na since we're 8 years in relationship (not married pa) . After 5 months (not expecting to be pregnant kasi minsan na dedelay talaga mens ko) nag delay lang ako ng i think 5 days and try my luck on a 35 peso pregnancy test and came positive. didnt believe at that moment so I let a week pass by and then bought a tig 150 na pt yung sosyal talaga para ma confirm and turns out POSITIVE talaga, Now my due is June 25 with our baby boy ❣❣❣

Magbasa pa

been praying for this blessing since I was 24, not because Im ready to be a mom nor does my partner. but I want to love and take care for another person more than I love and take care of my self. Now Im just thankful that I received this blessing now that Im 25 and I'll be 26 when my baby is born.. tho this time God allowed it to happen not with my previous partner when I was 24, but with my highschool classmate whose admiration for me during that time was never given a chance. since the day we reunited we've been wanting nothing more but to have a child of our own, so YES its a planned blessing, the rest God is with us to do our part to become the good parents we dreamed our parents would be ❤️

Magbasa pa

unexpected po pagbuo kay baby. 10 yrs na kami mag-asawa at want na ng hubby ko mag-ampon last year. imbes na bata ang inampon namin, isang shih tzu ang dumating sa amin at talagang nabuhos ang atensyon namjn mag-asawa sa aso na tinuring anak. pero dumating yung halos mag-agaw buhay na si Cocoy(shih tzu) dahil sa parvo at tinapat na kami ng vet na baka hindi na kayanin, inuwi namin sya from 5 days confinement nya sa vet clinic. himala na gumaling sya after 5 days sa piling namin at hindi ko alam na buntis na ako that time. 2 months later pa namin naconfirm na preggy. Now 3 months old na ang unico iho namin at 1 year and 5 months naman yung shih tzu. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Unplanned and Unexpected po talaga ang baby#3 namin. Since pills user ako hindi ko talaga ineexpect na makakabuo kami. At 1st syempre natakot parin ako dahil nataon na covid nga parang hindi okay para magsilang ng baby at isa pa ang tagal na bago nasundan 7yrs old na yung sinundan, Hindi ko na alam paano gagawin ko tapos CS pa ako kaya medyo mahal ako manganak. Pero since nabuo na sya, Tinanggap na namin dahil galing naman sya sa amin e at sobrang excited kami kase magkakaroon nanaman kami ng bagong miyebro ng pamilya. Ito na sya ngayon mag 2mos na sa 8. Nagsisimula na syang tumawa tawa kapag kinakausap. Napakabilis lang ng panahon.. ❤❤

Magbasa pa
VIP Member

Sa part namin ni hubby ko hindi po cxa planado.Kasi kung kaylan nawalan kami ng pag-asa na magka baby is doon cxa na boo😊.2years din kami umasa noon pero nung nagsimula ang Pandemic at stay at home kaming dalawa walang trabaho d namin na isip na mkaboo🤗kasi nga kala namin dna tlga kami magka baby.Kaya nung nagpa check up ako dko masagot sagot kung kayln ang huli kong regla🤗🤗..Sobrang saya naming mag-asawa nong nlaman naming buntis na ako at na sa 3months na pala cxa nong 1'st check up ko kay OB na dko alam todo trabaho pa nman ako non..Ngayon 2wks&4dys na si baby kapanganak ko lang nung May 16🥰❣️...

Magbasa pa

Married November last year and because I have PCOS, medyo mahirap para sa aking mag-conceive. Nag-healthy lifestyle ako-- low carb diet, daily exercise, iwas sa sweets and process foods. Every night lagi ring kasama sa dasal ko na pagkalooban kami ni Lord ng baby. Kasi marami sa mga PCOS cases na ilang taon na silang kasal pero wala pa rin. So I tried every thing na makakatulong sakin. And luckily, after 4 months of marriage, nabuntis ako. Kapag may tiyaga talaga, may bata. HAHAHA

Magbasa pa